NINE

167 6 0
                                    

NINE

WATER’s POV

I am Water Yu.  Anak lang naman ako ng mga Yu.  Ang sikat na pamilyang nagmamay-ari ng mga sikat at di matatawaran sa ganda na mga resorts, beaches and hotels, worldwide.  Unica hija at nag-iisang tagapagmana ako.  I’m a model, too.  And I am known world wide.

So, andito kami ngayon sa Enjoy Your Life Club, na pagmamay-ari nga ni Sheen.  Dito usually  ang hang-out namin simula ng itinayo ito. Hindi nga kami makumpleto simula ng umalis Siya.

“Bakit kaya Siya bumalik at pumayag makasal kay Marcus?” – ako

Nakaupo kami dito sa may gilid.  Ito talaga ang inuukupa namin na pwesto sa may second floor na kung saan kitang kita mo ang stage.  May class ang bar na to.  Hindi tulad ng nasa iba.  Tama lang ang ingay.

“Ewan.” – kibit balikat na sagot ni Sheen.

“Obvious naman diba. Eh di naghahabol.” Mataray na sagot ni Margarette. 

Samin lahat alam kong nasabi na nila kanina sa inyo.  Si Margarette at Marcus ang labis na naapektuhan.

“Kung naghahabol siya, bakit nun iniwanan siya ni Marcus sa simbahan eh parang wala lang sa kanya.” pagtatanggol ni Yssa sabay agaw kay Sheen ng popcorn.  “bumili ka nga ng sayo.”

“Ang damot mo.” Si Sheen sabay pout. “Kala mo, maglalagay ako niyan sa menu ko at off limits ka dun.  Bawal ka umorder.” Parang batang banta ni Sheen.  Kahit kelan parang mga bata to.

“Eh di hindi, paki ko.” Ganti ni Yssa.  “Hindi lang naman ikaw ang mabibilhan noh.che!” sabay irap

“Nakakahiya yung ginawa sa kanya ni Marcus sa kanya.” – ako

“Pero hindi natin masisisi si Marcus.  Eh wala na siyang feelings dun eh.  Hindi niyo naman pwedeng sisihin si Sophy kung siya ang gustong makasama eh.” – si sheen sabay inom ng whisky.

“Pero mali pa rin yun.  Dapat kahit pano matutunan niyang igalang at irespeto ang asawa niya o kahit maging civil lang.” – pagtatanggol ni Yssa.

“Kinakampihan mo ba siya Yssa?” – mataray na sabi ni Margarette

“Hindi naman sa kinakampihan Margarette.  Tama si Yssa.  Babae ka rin kahit papano masakit pa rin yon.” – sabi ko

“Ewan ko sa inyo.” – si Margarette sabay yosi

Hindi naman yan nagyoyosi dati eh.  Clean living nga yan.  Pero nun umalis Siya maraming bagay na ginawa si Margarette na taliwas sa lahat ng gusto niya nun.

“Pare, tahimik mo ah.” Tapik ni Sheen kay Alwy.

“Wala lang.” – Alwy sabay inom ng beer.

“Sa tingin mo bakit siya umuwi ditto at pumayag?” – tanong ko kay Alwy.

“Siguro may matindi Siyang dahilan.  At hindi tayo o Marcus yon.” – sabi niya ng hindi man lang tumitingin.

Lahat kami natigilan sa sinabi niya.  Ewan ko bakit parang nasaktan ako ng sabihin niyang hindi kami ang dahilan ng pag-uwi niya. 

“Sabagay matinding dahilang maituturing ang pang-aagaw at paghahabol.” – si margarette na ang tingin ay sa malayo.

“Nga pala Yssa,” baling ni Margarette kay Yssa, “Bakit yun gown na yun ang pinasuot mo sa kanya? hindi naman yon ang pinili niya ah.”

“Napunit kasi nun nagrerepair eh gahol na sa oras.” – sagot agad ni Yssa pero alam namin na dahilan niya lang yon.

“Sinungalin!” – mariin at galit na sabi ni Margarette

“Alis na ako.  Nawalan na ako ng gana.  Marami pa akong gagawin.” – sabi ni Yssa sabay tayo at naglakad na palayo.

“Ako rin, una na ako.” – si Alwy.

Simula nun umalis Siya sa min.  Nagbago na ang lahat.  Dati hindi kami ganito.  Lagi kaming masaya at open sa isa’t isa.  Di tulad ngayon na parang ang daming tinatago ng bawat isa.  Oo nga at magkakasama kami…pero kahit ang lapit namin parang ang layu-layo naman ng bawat isa. Parang nun nawala Siya isinama niya ang lahat..  hindi na rin kami makompleto si Marcus at Sophy laging magkasama.  Sa totoo niyan hanggang ngayon hindi maganda ang loob ko kay Sophy ewan ba kung bakit.  Si Nuts naman ayon laging nasa US.  Ewan ano pinagkakaabalahan niya..busy daw…alam mo nalulungkot talaga ako sa kinahinatnan ng pagkakaibigan namin ito.  Napakalayo kasi ng dati sa ngayon….ewan san ba napunta yon….?

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon