EIGHTEEN

190 5 1
                                    

EIGHTEEN

Kelan ba talaga natin malalaman na ang mga desisyon natin sa buhay ay tama o mali?  Hindi ba pwedeng laging tama nalang?  Hindi ba pwedeng wala nalang mali?  At ng sa gaanon paraan, hindi ka masasaktan pa….  Pero possible bang hindi talaga tayo masaktan…….?  Posible ba yon…?

YSSA’S POV

 

Nakakainis naman oh….bakit ba kasi ang dulas-dulas ng sahig ng kwarto ko…

 

“Yaya…”  nakailang sigaw na ako pero wala pa rin dumadating kahit isa…  “YAYA NAMAN, PLEASE LANG PO!”

 

Aba! Ganun ba talaga kalaki ang bahay naming para hindi mapakinggan ang sigaw ko?!

 

Naiinis na talaga ako..  Kelan pa ako matatapos sa pagpupulot ng mga sewing materials ko?!

 

Nadulas kasi ako ng hindi sinadya.. Kasi nga excited ako sa bagong friend naming..  si Suzanne…  gusto ko kasi sa kanya ipakita ang hobby…  ang mangolekta ng mga sewing materials…like different kinds ng karayom,  buttons, sinulid, pincushion at marami pang iba..kinukuha ko ito sa mga gamit ng mommy. 

 

“YAYA!”  sigaw ko ulit mapuputol na ang litid ko kakasigaw eh… pag hindi pa sila dumating baka umuwi na si Suzanne….

 

Bigla humangin kaya napatingin ako sa may bintana at nakita ko ang intercom..  Ah!  Meron nga pala kami nun.  Nakaconnect nga pala yon sa maids’ quarter.   Hehehe.  Nalimutan ko..

 

 

 

 

“Hay sa wakas natapos din!”  sabi ko sabay stretch-stretch ng kamay.  “Kala ko wala na akong pag-asa eh.”

 

“May ipag-uutos pa po ba kayo Senorita?” sabi nun yaya ko.

 

“Wala na.  Sige na pwede ka bumalik sa trabaho mo.” Sabi ko.  “Pagtumawag si mommy o daddy, sabihin niyo makikipaglaro lang ako kina Margarette.” Dugtong ko bago ako nagmadali ng lumabas.

 

Excited talaga ako.  Feeling ko magkakasundo kami at saka parang ang bait-bait niya.  Nagmadali na ako papunta  sa park.  Iningatan ko ng hawakan ang kit ko.  Para hindi na mataktak uli.  Hirap na kasi magpulot.

 

Nakita ko sila ni Margarette.  Nandun na rin ang iba.  Nakita ko si Water.  Hahawak-hawak ang camera niya at shot dito shot don ah basta shot everywhere.  Natatawan na sila at hahabulan.  Ano kaya nilalaro nila?

 

Nakita ko si Sophy sa may malayo sa grupo.  Nandun siya nakasandal sa may puno.  Ano kaya problema nun?  Hindi ko talaga yon maintindihan minsan. Hmmp.  Bahala siya.  Tumakbo na ako palapit sa kanila.

WHEN HE WAKES UP.......Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon