pasensya na if matagal ang update ha. medyo kasi busy-busyhan......
but, anyway ito na ang update....hope you like it....
Mahirap pasukin ang buhay ng isang tao...lalo na kung ayaw niya talagang ipagbukasan ito sa iba....kahit anong gawin natin kung sarado ito ay wala rin....ngunit konting tiyaga lang at pang-unawa...bubuksan niya rin ito pagdating ng araw.....
_____________________________________________________________________________
TWENTY-THREE
NUT’S POV
Pumasok na ako sa room. At nakita ko lahat-lahat. Papasok na sana kami ni Marcus ng makita naming na lumapit si Suzanne kay Sophy. Lalapit na sana si Marcus pero pinigilan ko siya. Gusto ko sana makita kung ano ang gagawin ni Sophy. Pero tulad ng inaasahan kong reaksyon mula sa kanya ay hindi nga ako nagkamali. Akma ulit lalapit si Marcus ngunit may biglang dumaan sa gitna naming at nagmadaling pumunta doon. Si Margarette. At tulad ng nakasanayan at inaasahan, kinuha niya si Suzanne at sinabi ang mga bagay na yon kay Sophy. Lagi nalang…..
Lumapit na si Marcus kay Sophy. Bahagyang mahina ngunit sapat na upang mapakinggan ko ang sinabi niya sa huli.
Hindi ko maintindihan ang galit na nararamdaman ni Sophy para kay Suzanne. Alam kung may iinggit siyang nararamdaman mula rito at batid kong hindi lang ako ang nakakaalam nito, alam din ito ng buong barkada. Simula ng dumating si Suzanne ay hindi na talaga maganda ang pakikitungo rito ni Sophy.
Tuluyan na rin akong pumasok sa room. Tinahak ko ang daan papunta sa may upuan bakante sa tabi ni Marcus. Dinaanan ko si Sophy. Tumigil ako at tumingin sa kanya na natili parin nakatingin kina Marcus habang patuloy na kinukuyumos ang papel na hawak..
“Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan mo at ganyan kalaki ang galit mo kay Suzanne. Hindi ka na naming maintindihan. Anu’t anuman hinding-hindi ako sang-ayon sa mga ginagawa mo at mga iniisip mo. Huwag mong hayaan na bulaging kang tuluyan ng galit mo.” Sabi ko sa kanya.
Humarap siya akin. “Wala kang pakialam!” puno ng galit at may diin na sagot niya.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas siya ng silid.
Napansin kong napatingin sa kanya si Suzanne at nakita ko ang lungkot na bumalatay sa kanyang mga mata.
Ngumiti nalang ako kay Suzanne at ganun rin siya sa kin. At muling ibinalik ang atensyon kay Margarette.
Tumuloy na ako sa upuan ko.
Kaibigan naming ni Sophy noon pa man. Si Marcus ang nagpakilala sa kanya sa min. Inaanak daw ng mommy niya si Sophy. Lagi siyang nakabuntot kay Marcus. Sa simula pa batid namin na may kakaiba sa ugali niya ngunit pinilit namin na kaibiganin siya.
Gusto niya si Marcus lang kasama niya at kausap niya. Madalas din siyang lumalayo sa amin.
Noon pa man ayaw na sa kanya ni Margarette at gunon rin si Sophy rito. Pero nanatili silang civil sa isa’t isa.
Pero simula ng dumating si Suzanne ay mas lalong naging iba ang ugali niya. Alam na min ang disgusto niya kay Suzanne. Noon una akala namin mawawala iyon ngunit mas lalo lamang palang lumalala. Wala naman siyang ginagawa maliban sa hindi pagpansin dito at pagsalita minsan ng sarkastiko, ay wala na kaming nakikitang iba pa sa ginagawa niya.
Minsan na pag-usapan namin na tanggalin na naming siya ngunit pinigilan kami ni Suzanne at sinabi na intindihin nalang daw naming si Sophy. Magugustuhan rind aw siya nito pagdating ng araw. Kaya wala kaming nagawa kundi hayaan si Sophy na kasama namin. Pero parang wala naming improvement at mas lalo lamang tumitindi ang galit ni sophy.
Pero lately parang napapansin ko may kakaiba na sa ugali si Sophy. Hindi inggit o galit…parang meron talagang iba…hindi rin maganda ang nararamdaman ko….
Si Suzanne…ang totoo ay wala talaga akong maipintas sa ugali niya. Totoong mabait siya, malalahanin, mapagbigay, mapagmahal, mapag-unawa..lahat na yata n magagandang ugali ay sa nasa kanya. Para siyang anghel kaya hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa kanya si Sophy.
Suzanne make her best para mapalapit kay Sophy but the latter always distance herself from her…nagagalit, naiinis at naiirita siya sa mga ginawa ni Suzanne na paglapit sa kanya…Every approach went useless. Everything went into failure. As if it seemed that there si no hope between them.
“Nuts” napakinggang kung tawag ni Marcus na nagpahinto sa lahat ng iniisip ko.
“Oh?” sagot ko.
“Mamaya ha. Huwag na huwag mong kalilimutan.” Palala pa niya sa kin
“Oo na” sagot ko.
Simula ng dumating si Suzanne Malaki ang pinagbago ni Marcus. Ang lakas talaga ng tama niya dito at ang laki ng epekto ni Suzanne sa kanya.
The two of them are always together. Masaya at komportable sila sa isa’t isa. There’s no doubt that they end up together someday.
Huwag lang sana manggugulo si Sophy.
________________________________________________________________
thanks for reading