Chapter 54

1.1K 48 22
                                    

Chapter 54: Caged

"Dahan-dahan lang, Jasiel. Kakalabas mo lang ng ospital!"


Panay ang pag-papaalala ko kay Jasiel na huwag siyang masyadong malikot dahil kalalabas niya lang ng ospital. Naglalaro kasi silang dalawa ni Eira sa labas at nahuhuli kong tumatakbo si Jasiel para makipaglaro sa kapatid niya. Alam naman niyang masyado pang mahina ang katawan niya pero heto siya, nakikipaghabulan. Ilang beses ng sinabihan pero makulit pa rin.


"Kuya, ang bagal mo tumakbo!" sigaw ni Eira na may kasamang pagtili dahil nakabuntot pa rin ang kuya niya sa kanyang likuran.


"Eira, huwag mong pagurin ang kuya mo!" paalala ko kay Eira pero nagtuloy pa rin ito sa pagtakbo. Parang hindi ako naririnig ng dalawa kahit na ilang beses ko silang paalalahanan. Sobrang na-miss siguro nila ang isa't isa kaya panay ang laro nila.


Pagkatapos ko talagang magtupi ng mga damit ay lalabas ako at sasawayin sila.


"Hayaan mo muna 'yung dalawa." Napunta naman ang atensyon ko kung saan nanggaling ang boses na 'yun at napagtanto kong si Nanay Lita pala ito na galing banyo. "Na-miss lang nila ang isa't isa kaya sige ang paglalaro nila."


Suminghap ako at sumilip sa labas ng bahay kung saan naglalaro ang dalawa. Kahit naman nakakatakbo na si Jasiel ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.


Isang linggo siyang nasa ospital at alam ko kung gaano kahirap ang manatili doon. Isang linggo na lang rin ang natitira bago siya bumalik sa eskwelahan kaya napapaisip ako kung anong mangyayare sa kanya pagkatapos siyang mahuling naninigarilyo?


My son is not a bully. The accusation to him is not true and I believe that Jasiel will never do such a thing like that. Yes, I will not deny that he's smoking, but bullying and threatening his classmates? No, he won't do that.


"Nga pala, may alam ka ba kung ano ng nangyare kay Orcus?"


It was unexpected that Nanay Lita will brought up Orcus on our conversation, and when I heard his name, I remembered what happened to the hospital. The scene was playing back in my mind that's why I felt something writhing inside of me.


I shouldn't be feeling this way. I should be happy now that he's no longer around.


"Bakit naman po napasok si Orcus sa usapan, Nay?" tanong ko at pinunta ang atensyon sa pagtitiklop ng mga damit pero ang totoo ay gusto kong umiwas ng tingin kay Nanay Lita dahil alam kong madali niya akong mabasa.


"Isang linggo ng hindi nagpapakita ang lalaking 'yun. Hindi ba masyadong masakit ang mga sinabi mo sa kanya?" Nakaramdam ng awa si Nanay Lita sa lalaking 'yun pero dapat hindi. Hindi naman siya ang kawawa sa aming dalawa. Siya na nga itong maraming atraso sa akin tapos nakuha niya pang masaktan? Ibang klase!


"Dapat niya lang marinig 'yun para matauhan na siya. Dahil sa ginawa niya kay Jasiel ay hindi ko na talaga siya mapapatawad. Kilala niyo naman po ako, ayokong nasasaktan ang mga anak ko," paliwanag ko kay Nanay Lita at nung gumilid ang mga mata ko upang tingnan ang reaksyon niya ay nakita ko itong umiling. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon