Chapter 53

1.1K 50 10
                                    

Chapter 53: Mistake


"Ito, gamitin mo 'yan para ipambayad sa exam ni Eira."


Kaagad namutawi ang pagkabigla maging ang pagkahiya sa aking mukha nang bigyan ako ni Nanay Lita ng pera para sa pambayad ng exam ni Eira. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero hindi ko matatanggap ang pera niya. Dapat sarili kong pera ang gagamitin ko para sa mga anak ko, hindi ang sa kanya. Responsibilidad ko 'yun. 


"Tanggapin mo na yan, kung 'di ay baka magtampo ako," aniya pero nahihiya pa rin ako. Ang dami niya na kasing naitulong sa akin maging sa mga anak ko. Sobra-sobra na ang binibigay niya habang ako naman ay wala pa sa kalahati ang binibigay na sukli sa kanya. 


"Nay..." malambing kong sabi at hinawakan ang kamay niya. "Marami na kayong naibigay sa akin. Ako na po ang gagawa ng paraan para makabayad sa exam ni Eira."


"Ay nako! Tanggapin mo na 'yan dahil bukas na ang exam ng anak mo. Anak kita kaya huwag ka ng mahiya." Nung narinig kong sinabi niyang anak niya ako ay nanlambot ang puso ko. Tinanggap niya talaga ako bilang isang anak kahit na kapitbahay lang nila ako noon.


"Narinig ko 'yung usapan niyo ni Eira kahapon. Kilala mo naman 'yung anak mo, kahit sabihin mong huwag siyang mag-alala ay mag-aalala pa rin 'yun. Syempre, ikaw na lang ang bumubuhay sa kanila."


Nanay Lita is right. I know my daughter too well. Even I said that she doesn't need to worry, she will still be. Eira always have this soft side and she's not hesitant to show that to us. Just like I said, she's like the mini-version of Alejo. 


"Nak, alam kong gusto mong buhayin ang mga anak mo sa abot ng makakaya mo pero wala namang masama kung hihinga ka ng tulong sa amin. Bilib nga ako sa 'yo na nakakaya mo pa rin silang tutukan kahit nahihirapan ka," saad ni Nanay Lita na nagpangiti sa akin. 


"Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ang mga anak ko, Nay. Sila na lang ang mayroon ako, maging kayo. Kakayanin ko para sa mga anak ko. Ayos lang sa akin na ako ang mahirapan... huwag lang sila," paliwanag ko at alam kong 'yun rin naman ang perspektibo ni Nanay Lita. Gagawin namin ang lahat para sa mga taong mahal namin. 


Mapagod man kami, hindi naman kami susuko. 


"Sige na. Tingnan mo kung nakaayos na si Eira para naman maihatid na siya ni Isko," utos ni Nanay Lita na kaagad ko namang sinunod. Dumiretso ako sa kwarto at nakita kong nakasuot na ng uniporme si Eira. 


"Ayos na ang prinsesa," sabi ko na dahilan para mapunta sa akin ang tingin niya. Malaki itong ngumiti at lumapit sa akin para yakapin ako. 


"Bukas na 'yung exam mo. Huwag kang mag-alala dahil magbabayad na ako. Hindi mo na kailangang mag-alala, nak." Hinagod ko ang likod niya. Pasalamat na lang talaga ako na marunong silang intindihin ang sitwasyon ko at mabuti na lang rin ay napalaki namin ni Alejo ang mga bata na maging mapagpasalamat. 


Hindi namin hinayaan ni Alejo na lumaking spoiled ang mga anak namin. Kahit naman malaki ang nakukuha namin sa plantation ay hindi 'yun ang naging rason para humingi ng kung ano-ano ang mga anak namin. Ayaw naming masanay 'yung mga anak namin na lagi na lang ibibigay ang gusto nila.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon