Chapter 59

1.2K 40 37
                                    

Chapter 59: Sunrise (trigger warning)


"Huy, nabalitaan mo ba 'yung nangyayare sa La Estrelita? Ang dami daw patay. Jusko!"


Nagpintig kaagad ang mga tenga ko dahil sa sinabi ng trabahador. Kahit naman malayo sila sa akin ay narinig ko pa rin ang pinaguusapan nila at dahil doon ay nagsimulang mabalot ng mga negatibong senaryo ang isipan ko. Nasabi niya lang ang salitang patay ay hindi na ako mapakali. Pinipilit ko namang huwag magpaapekto pero habang tumatagal na hindi pa bumabalik si Alejo ay unti-unti na akong nangangamba. 


Ganito lagi ang nararamdaman ko sa tuwing napapasabak si Alejo sa laban pero malaki naman pang-unawa at pagsuporta ko sa kanya. Hindi dapat ako maging hadlang sa kung anong nakakapagpasaya sa kanya. Simula nung pinapasok ko siya sa buhay ko ay tinanggap kong magiging ganito ang buhay ko kasama siya at wala akong pinagsisisihan du'n.


"'Yung iba nga sa kanila ay hinohostage pa. 'Di nakaligtas kahit sundalo."


My hand turned into a fist as I felt my anger going towards my head. Hindi ba nila alam ang maging sensitive? Alam naman nilang pumunta ang asawa ko sa lugar na 'yun para makipaglaban pero hindi man lang nila magawang maghulos-dili sa mga salitang lumalabas sa bibig nila. 


Sasabihan ko na sana sila pero naunahan na ako ni Nanay Lita. "Trabaho muna tayo, noh. Tama na muna ang chismisan," pananaway niya sa dalawang trabahador na kaagad namang bumalik sa trabaho dahil sa takot nila kay Nanay Lita. Nang makaalis ang mga 'to ay tuluyang napunta ang tingin sa akin ni Nanay na dahilan para makagat ko ang ibabang parte ng labi ko. 


"Kalimutan mo na lang ang narinig mo. Huwag mong hayaan na umabot 'yun sa isipan mo," sabi niya ngunit huli na siya ng bilin sa akin dahil puro negatibo na ang mga tumatakbo sa isipan ko. Pilitin ko man patayin 'yun ay natatalo pa rin ako. 


Suminghap si Nanay Lita at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang balikat ko upang pakalmahin ako kaya nagawa kong ngumiti nang bahagya. 


"Babalik ang asawa mo, Serina. Tutuparin ni Alejo ang pangako niya lalo na't may kailangan siyang balikan... at kayo 'yun." Pareho sila ng sinabi ni Alejo. Lahat naman ng mga pangako ni Alejo ay tinutupad niya pero kakaibang pangako ang binitawan niya ngayon. 


Babalik siya, Serina. Nangako siya. 


"Magpahinga ka muna. Kaninang madaling araw ka pa gising kaya pumasok ka muna sa loob ng bahay at kami na ang bahala dito," saad niya. Akmang aalma ako pero tinaasan niya ako ng kilay. Ayos lang naman ako atsaka kaya ko namang magtrabaho. Makakalimutan ko naman siguro ang narinig ko kanina kapag nagtrabaho ako. 


"Pasok na sa loob, Serina. Huwag matigas ang ulo.


Sa huli ay wala na akong nagawa. Natakot na rin kasi ako kay Nanay Lita, hindi ko kayang magmatigas sa kanya dahil baka magalit siya kaya mas mabuting sumunod na lang. 


Nang makapasok sa loob ng bahay ay hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa malambot na sofa. Minasahe ko ang sentido ko at pinikit ang mga mata. Paano naman ako makakapagpahinga nito kung panay ang takbo ng isipan ko tungkol sa kalagayan ni Alejo?

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon