Chapter 51

1.1K 43 15
                                    

Chapter 51: Frustrate


"Hindi niya na kailangang malaman pa na nawalan kami ng anak."


Nung sinabi ko 'yun kay Olivia ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Nagpapasalamat ako dahil pinangako niyang hindi niya sasabihin kay Orcus pero ngayon na nandito na sila ay wala pa rin akong balak sabihin ang nangyare. Matagal ko nang sinarado ang nakaraan ko. Ayoko ng balikan kung anuman ang nagpahirap sa akin.


Bakit kailangan pang malaman ni Orcus? Iniwan niya ako at ibig sabihin nu'n ay wala na siyang karapatang alamin kung anuman ang nangyare sa akin. Putol na ang ugnayan namin nung umalis siya kahit pinakiusapan ko siya. Wala siyang konsensya. Hinayaan niya lang akong malunod sa sakit kaya anong karapatan niyang malaman ang nangyare sa anak ko?


I sighed and looked up to the ceiling. Seeing both of them after sixteen years was like reminiscing the memories I have with them. Everything changed and now that they came back, I don't want to be part of their lives. I just don't want to be near them.


Why did you come back?


Ayos na lahat. Payapa na ang buhay ko dito pero bakit kailangan pang magpakita pa sila sa akin? Para ano? Para maalala ko ang pinagdaanan ko? Is that the reason why they came back?


Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Eira. Dala-dala niya ang kanyang teddy bear na binigay sa kanya ni Alejo.


"Is there a problem, baby?" I asked and walked towards her. I lowered my knees a bit to level her eyes and then I ran my fingers through her hair.


"Ma, sa Wednesday na 'yung exam namin pero sabi ni Teacher hindi pa daw ako bayad. Kapag hindi raw po nakabayad ay hindi ako makakapag-exam," sagot niya at inabot ang isang papel na naglalaman ng notice of payment ng exam nila.


Sa sinabi ni Eira ay gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nakalimutan kong malapit na pala ang exam nila. Mabuti na lang ay pinaalala niya pero may natira pa kaya akong pera? Kung wala ay saan naman ako kukuha ngayon na wala na sa akin ang plantation?


How come that I forgot about it?


Binulsa ko ang letter at hinawakan ang braso ni Eira. "Huwag ka ng mag-alala, okay. Ako na ang bahala," usal ko at pinilit na ngumiti para hindi niya mahalata na namomoblema ako kung saan ko kukunin ang pambayad sa exam niya. Kailangan kong dumiskarte ngayon.


I was about to stand up, but suddenly Eira called me. Both of my brows raised as I waited for her to speak. "Why? May problema pa ba, nak?"


She shook her head and looked up to reach my eye level. Eira was silent for a second, which is kind of weird.


"Nak, may problema pa ba?" ulit ko sa tanong at nakita kong sinimulan niya ang paglalaro sa kanyang mga daliri.


"Ma, malapit ba kayo sa isa't isa ni Sir Inocencio?"


Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon