Chapter 44

1.1K 48 6
                                    

Chapter 44: Belittled


After 16 Years

"Magandang tanghali, Mang Nestor!"


Nakita ko ang pagbalikwas ng guwardiya sa kanyang upuan marahil sa biglaan kong pagsulpot, muntikan niya pa ngang mabitawan ang kinakain niyang turon dahil sa gulat. Tinakpan ko naman ang bibig ko para pigilan ang malakas na tawang balak lumabas dito. Parang hindi naman siya nasanay na palagi akong nabisita dito sa sementeryo at sa bawat pagpunta ko ay lagi siyang nagugulat na para bang isa akong multo.


"Ma'am, naman! Dati ka bang nagtatrabaho sa horror house? Kaunti na lang yata ay aatakihin na ako dahil bigla-bigla na lang kayong nasulpot," sabi ni Mang Nestor at napakamot sa kanyang ulo. Umikot naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.


"Mang Nestor, ilang beses na po akong pabalik-balik dito sa sementeryo pero lagi pa rin kayong nagugulat sa tuwing nakikita niyo ako," reklamo ko at ngumuso. Mukha bang kagulat-gulat ang bati ko?


"Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa bati mo? Atsaka mukha kang white lady. Ang haba ng buhok mo tapos ang puti-puti mo pa. Sadako ka, bhie? Jusko!" Pinagmasdan ko naman ang buhok ko maging ang balat ko. Hindi naman ako gano'n kaputian pero tama nga ang sabi ni Manong Nestor na ang haba ng buhok ko, hanggang siko na.


"OA mo, Mang Nestor! Oh, ito ang biko. Gawa 'yan sa lamang loob ng tao," biro ko na ikinanganga niya.


"Ang akala ko white lady ka lang 'yun pala manananggal din," ganti niya na dahilan para padabog kong nilagay sa lamesa niya ang biko na ginawa ko para sa kanya.


Normal na sa amin ang mag-asaran ni Mang Nestor. Mabait naman siya at madaling pakisamahan. Kaya ako napalapit sa kanya e' dahil lagi akong napunta dito sa sementeryo.


"Salamat dito, ha. Sige na, baka hinihintay ka na nung pupuntahan mo," sabi niya na ikinatango ko. Sinukbit ko naman ang bag ko nang maayos at hinigpitan ang hawak sa dala kong lilies.


Hindi ako magsasawang bumisita dito sa sementeryo, kahit araw-araw pa nga. Panigurado akong pangalan ko ang pinaka marami sa listahan ng mga bumibisita. Hindi naman kasi mawawala sa schedule ko ang pumunta dito bawat linggo.


Hindi naman masyadong tirik ang araw at medyo malamig rin ang hangin dito sa Oriental Mindoro dahil buwan ngayon ng Pebrero.


I could hear the leaves rustling, and it breaks the deafening silence of the cemetery. Petals were scattered, probably because of the wind and droplets of candles stuck to the ground.


Nung nasilayan na ng mga mata ko ang lapida ay umangat ang dalawang sulok ng labi ko. Ilang lakad na lang ay matatapatan ko na ito pero heto na naman ang puso ko, nakakaramdam na naman ng pagkirot.


My breathing became heavy, and my hands started to lose their warmth. Just staring at it from afar could make me remember the tragedy that I was trying to bury from the depths. Every time I visit, the sorrow always welcomes me, but despite feeling that I couldn't stop coming here. It feels like a routine already.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon