Chapter 62

1.2K 55 13
                                    

Chapter 62: Chances


"Ano pong pangalan nila, Ma'am?"


Kagaya noon ay magara at maganda pa rin ang bahay kung saan ako lumaki. Labing-anim na taon na ang nakalipas pero kung ano ang kinagisnan ko ay ganito pa rin ang itsura nito hanggang ngayon. Labing-anim na rin ang nakakaraan nung huling tumapak ang mga paa ko sa makintab na tabla ng bahay at sa pagbabalik ko ay sumabay rin ang pagbabalik ng mga alaalang iniwan ko sa bahay ng mga magulang ko.


This is where it all started. The pain, suffering and endless cries. Those are the memories I remembered as I stared at the house of my parents. Even though it was still beautiful in my eyes, the house still gives me the chills. It was hell inside of it, and living there was like denying what life should be.


"Serina Altamirano, t-that's my name," I said while my eyes are still focused on the house. After leaving, I heard nothing about my family. It was like their existence disappeared. For sixteen years my life was peaceful, but how about them?


"Serina Altamirano?" pag-ulit ng guard sa pangalan ko na dahilan para mapunta sa kanya ang tingin ko at nakita kong namilog ang kanyang mga mata.


I nodded. "Yes, that's me. Nandito ba si Lynette Altamirano?"


Yes, I abandoned my mom because she did nothing but hurt me. She never treated me as her daughter, that's why I decided to cut my relationship with her. Hindi ko nga alam kung bakit ito ang unang kong pinuntahan pagkarating ko ng Maynila. Malaki ang galit ko sa kanay pero heto ako ngayon, nasa harapan ng bahay niya.


"P-Pasok na po kayo, Ma'am," nauutal na sabi ng guard at binuksan pa ang gatet para sa amin ni Eira. Hindi niya man lang sinabi kung nandito ba si Mama.


"Salamat," matipid kong saad at naglakad na papasok habang hawak-hawak ang kamay ni Eira. Ito ang unang beses na makikita niya ang lola niya. Nababanggit ko naman sa mga anak ko ang mga magulang ko pero pili lang ang mga kwinikwento ko sa kanila dahil ayoko namang pati sila ay magtanim rin ng galit sa lolo at lola nila.


"Mama, dito nakatira si Lola?" tanong sa akin ni Eira.


"Oo, nak. Dito rin ako nakatira noon," sagot ko at ngumiti. Nung nakarating kami sa harapan ng malaking pinto ay marahan akong nagpakawala nang malalim na hininga. Ilang beses akong lumunok dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamuman ko. Hindi ko alam kung tama bang pumunta dito pero ang tagal na rin kasi nung huli kong masilayan ang mga magulang ko.


Kapag nakita ko sila ay gano'n pa rin ba ang galit at takot na mararamdaman ko? Masalimuot pa rin bang nakaraan ang makakaharap ko?


Sa huling pagbuntong-hininga ko ay tuluyan ko na ngang pinindot ang doorbell. Sa pagtunog nito ay sumabay ang pagtaas ng mga balahibo ko, nanlamig rin ang mga kamay ko dahil sa kabang unti-unting nabubuo sa sistema ko.


Ilang beses na tumunog 'yun hanggang sa biglang bumukas ang pinto na dahilan para mapaatras kami ni Eira at parang napugto ang hininga ko nang bumungad sa harapan ko mismo ang taong inaasam kong makita.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon