Chapter 46

1.1K 46 6
                                    

Chapter 46: Never


"Ano na naman ba ang kailangan mo, Alejo?"


Akmang bubuhatin ko ang paso ng rosas para ilipat ito sa tabi ng sampaguita ngunit naunahan na ako ni Alejo at siya ang nagbuhat nito. Kunot-noo ko siyang tiningnan dahil sa mga kinikilos niya pero nginitian niya lang ako. Naglakad ito palayo sa akin at nilagay sa tabi ng sampaguita ang paso. Ang akala ko ay 'yun lang ang gagawin niya pero nakita kong kinuha niya ang hose at sinimulang diligan ang mga halaman ko.


Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. Aagawin ko sana ang hose sa kamay niya ngunit nilayo niya ito sa akin at tinuloy ang pagdidilig.


"Sagutin mo nga ako nang maayos, Alejo. Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng baywang.


"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?" pagbabalik niya ng tanong sa akin.


"E kung sagutin mo muna kaya 'yung tanong ko." Umikot ang mga mata ko. Umagang-umaga ay siya ang unang nanggambala sa akin. Tila ginagawa niya ng routine ang pambubulabog sa umaga ko. Nakakainis!


He straightened his back and took a glance at me for a second. "I'm here to see you," Alejo confessed.


"Kung 'yun lang pala ang dahilan kung bakit nandito ka ay makakaalis ka na, tutal nakita mo na rin naman ako—"


"No. I wanted to stay longer," he cut me off, which made my brows knitted. Even though I could only see the side of his face, I could tell that his cheeks were tinted crimson, and he's also having a hard time looking at me. What's with this man?


I crossed my arms together. "Why?"


Lagi siyang pumupunta dito at kahit magalit ako sa kanya dahil sa panay ang pagpunta niya ay hindi siya natitinag. Araw-araw siyang nambubulabog. Hindi ba siya napapagod na lagi ko siyang sinisigawan?


"Because I want to be with you," Alejo answered in a soft voice.


"Nandito ka lang para lagi akong asarin. Tss," nakangising sabi ko at dahil doon ay tuluyan nang dumako sa akin ang atensyon niya. Napunta naman ang tingin ko sa hose na patuloy pa ring naglalabas ng tubig at kapag nagpatuloy pa 'yun ay baka malunod ang mga halaman ko.


"Are you trying to drown my plants? Patayin mo 'yung gripo bago pa ako maainis sa'yo." Kahit na pinagbantaan ko na siya ay hindi pa rin siya gumalaw kaya ako na lang ang nagpatay ng gripo.


I was about to leave him, but he suddenly spoke.


"E ikaw? Bakit ayaw mong nandito ako?" kwestiyon ni Alejo at para akong natulos sa kinatatayuan ko. Umulit ang tanong na 'yun sa tenga ko hanggang sa maglabas na ng sagot ang isipan ko.


I bit my lower lip because of the answer that popped into my mind. I shouldn't say that since Alejo and I were not that close. I don't even know him that much. For me, he's just a nobody.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon