Chapter 49

1.1K 43 10
                                    

Chapter 49: Dishearten


"Bakit mo ba ako iniiwasan, Serina?"


Panay ang pangungulit sa akin ni Alejo pero hindi ako kumikibo. Kanina pa siya sunod nang sunod sa akin pero kahit anong gawin niya ay wala akong balak na pansinin siya. Nandito na naman siya sa bahay ko at kahit sabihin ko naman sa kanya na umalis ay hindi ito makikinig kaya mas mabuting manahimik na lang at huwag siyang pagtuunan ng pansin.


Dumiretso ako ng kusina at tiningnan kung puwede ko na bang ilako ang mga bikong niluto ko. Akmang kukuha ako nang kutsara para tikman ito pero pinigilan ako ni Alejo. Hinawakan niya ang braso ko na dahilan para dumako sa kanya ang tingin ko.


Kulang na lang ay mag-isang linya na ang kilay niya dahil sa pagiging seryoso. May halo ring pagkairita ang ekspresyon niya pero wala akong pakialam. Imbes na kulutin niya ako ay bumalik na siya sa Pinamalayan dahil sinasayang niya lang ang oras niya dito.


"Kausapin mo nga ako," utos niya pero nanatiling tikom ang bibig ko at ginamit ko ang lakas ko para agresibong bawiin ang braso ko.


When I turned my back, I heard his tongue clicked, which only means that he's already losing his temper.


Lumabas ako ng bahay para kunin ang mga damit na sinampay ko. Dahil sa mga batong nasa lupa ay narinig ko ang mga yabag ni Alejo.


Kailan ba siya titigil?


"Serina, please. Isang buwan mo na akong hindi pinapansin," pakiusap niya pero nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng mga tuyong damit.


E ano naman sa kanya kung isang buwan ko na siyang hindi pinapansin? Naiirita ba siya na hindi ko siya binibigyang pansin? Bakit? Sino ba siya? Atsaka alam ko naman na ang habol niya lang sa pagpunta dito ay para inisin ako. Tss! Ang effort naman ng lalaking 'to para sirain ang araw ko.


Kinukuha ko lang ang mga sinampay nang biglang hapitin niya ang baywang ko na dahilan para mapalapit ang mukha ko sa kanya. Namilog ang mga mata ko dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa.


Alejo darted his eyes on me, and I don't know why something suddenly struck me when our stares locked to each other. The distance was like an inch already, and I could not barely breathe because of it.


"Let's talk this way," Alejo murmured in a low voice, which made the fine hairs of my nape rise. What the hell is happening to me? My heart is beating so fast and there's something tickling on my stomach. Argh!


"What do you think you're doing?" Nagkunwari akong matapang sa harapan niya pero nung lumalim ang tingin niya sa akin ay nag-init ang mga pisngi ko. Ano bang ginagawa niya sa akin?


"You're acting brave again," he analyzed. This is what I hate about him. Alejo acts like he knows everything. He can read me easily, even though I tried to pretend.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon