Chapter 04

2.2K 86 19
                                    

Chapter 04: Locked


A groan escaped when I moved my body and suddenly felt pain. My limbs could barely function as if it's giving me a signal to just stay in bed and rest, but my nose crinkled when I smelled a scent, a scent that could fantasize.


I was addicted for a while, but I realized that something seems different. If I'm not mistaken, the scent smells like Acqua Di Gio by Giorgio Armani, and I know that my father doesn't use that kind of fragrance.


Tuluyan ko ng binuksan ang mga mata ko at halos mapugto ang hininga ko nang bumungad ang asul na kisame maging ang maliit na aranya. 


Akmang tatakpan ko ang mata ko pero may pumigil sa akin. Niligon ko kung ano ang pumigil sa aking kamay at nanginig ang ibabang labi ko nang makita ang isang posas sa braso ko.


"O-Oh gosh," I mumbled and tried to remove the handcuffs, but it was locked. As I saw myself, I panicked because I was wearing a night gown.


Kahit na masakit ang katawan ko ay pinilit ko ang sarili na umupo sa kama at hindi na ako mapakali lalo na't hindi pamilyar ang kwarto na tinulugan ko.


Punong-puno ng mga libro at mga paintings ang kwarto. May terasa pa ito kaya tanaw mo ang matataas na gusali ng Maynila at dahil sa bukas ang pinto nito ay malayang nakakapasok ang malamig na hangin dito.


"W-What happened?" I asked myself and tried to remember everything. 


I clasped my left hand to my forehead because of frustration. I don't have any idea where I am, and it looks like this house is away from those crowded places because I can see the trees and a wide garden.


Ang pagkakatanda ko ay may balak sumaksak sa akin. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa tumigil ako sa gitna ng kalsada. 'Yon lang ang natatandaan ko, argh!


Maraming tumatakbong tanong sa isipan ko pero natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito ang isang lalaki na sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda sa akin.


Maging siya ay nagulat nang makita ako pero nagsimula akong mataranta nang maglakad ito palapit sa akin. 


"D-Don't come near me," pigil ko sa kanya at pinunta ang sarili ko sa dulo ng kama para proteksyunan ang sarili ko laban sa lalaking hindi ko kilala. Nanginginig na ang katawan ko dahil sa takot pero nakita kong umangat ang sulok ng labi niya.


Hindi ito nakinig sa akin dahil nagsimula na naman siyang lumapit sa kama kung saan ko pinagsisiksikan ang sarili ko. 


Nabuo ang malamig na pawis sa aking likod dahil sa lalaking hindi ko makitaan ng ekspresyon. Kung sino man siya ay puwede bang tanggalin niya na ang posas sa kamay ko?


"S-Sino ka? A-Anong ginagawa ko dito? Tauhan ka ba ni Mama?" Tinapangan ko ang tono ng boses ko pero sa loob ko ay takot na takot ako. 

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon