Chapter 50

1.2K 44 10
                                    

Chapter 50: Keep


"Ma, hindi po ba ako puwedeng sumama sa inyo?"


Kasalukuyan kong inaayusan ang sarili ko dahil balak kong bisitahin si Jasiel. Kahit alas kwatro pa naman ang labas niya sa eskwelahan ay balak ko ng pumunta nang maaga para naman makamusta ko si Kuya Carlos maging ang pamilya niya. Gusto ngang sumama ni Eira papuntang Pinamalayan, ang kaso may pasok pa siya bukas at baka mapagod siya sa byahe. Mas mabuti kung manatili na lang siya dito sa bahay ni Nanay Lita at Tatay Isko.


"Hindi puwede, nak. May pasok ka pa kasi bukas at baka mapagod ka sa byahe," sabi ko na ikinanguso nito at pagkatapos ay pinadausdos ang kanyang katawan sa kama.


Natigilan naman ako sa pagsusuklay dahil sa kagustuhan niyang sumama sa akin pero hindi kasi puwede. Alam kong gusto niyang makita ang kuya niya pero sa susunod ko na lang siya isasama.


Lumapit ako kay Eira at hinaplos ang kanyang buhok. "Sa susunod na lang kita isasama, nak. Promise ko 'yan," pangako ko na dahilan para mag-angat ito ng tingin papunta sa akin. Ngumiti naman ako kaagad.


"Ma, ayos lang ba kayo ni Kuya?" biglang tanong ni Eira. Ang kanina niyang nagtatampong ekspresyon ay napalitan ng pag-aalala. Suminghap ako.


"May tampuhan lang kami ng kapatid mo. Kaya ko nga siya bibisitahin para makapag-usap kami," sagot ko kay Eira. Umalis si Jasiel na nagtatampo sa akin at 'yun ang unang beses na gano'n siya. Sa tuwing tatawagan ko naman siya ay malamig at matipid ang mga sagot niya sa akin. Kahit isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin nawawala ang tampo niya sa akin.


"Ma, gustong-gusto ni Kuya makapaglaro ng basketball sa Maynila. Bakit po ba ayaw niyo siyang tumuloy?"


Eira is just nine years old, but she could understand the situation. Even though I kept reminding her to not interfere whenever adults were talking, I know she's figuring something in her mind. She's like me. Drawing a conclusion.


"Natatakot lang naman ako. Malayo ang Maynila dito sa Mindoro, nak. Kahit naman malaki na ang kuya mo ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala." Natatakot ako sa kung anong maranasan ng anak ko sa Maynila. Malaki ang lugar na 'yun at marami ring tao. Kahit sabihin naman niyang magandang oportunidad 'yun ay mag-aalala pa rin ako.


"I know he could take care of himself. Your brother is responsible, but I think being away from him could give me a hard time," I confessed and saw Eira nodding. I'm thankful that at such a young age, her mindset is already advanced. Maybe Eira also learned that from her brother.


"Gano'n rin naman ang mararamdaman ko, Ma, pero pangarap naman 'yun ni Kuya. Bakit hindi natin bigyan ng daan 'yung pangarap niya kung alam nating magiging masaya diya du'n?"


Parang isang matanda ang kausap ko at sa bawat salitang binibitawan niya ay napapaisip ako kung bakit hindi ko magawa 'yun? Maybe I just want everything to be steady, that's why I'm trying to change his plans.


I ran my fingers on Eira's hair and winced. "I don't want to take the risk of letting him go. Maybe being in the safe zone is better."

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon