Chapter 43

1.2K 50 4
                                    

Chapter 43: Adios


"Sinungaling ang boyfriend niya. Akala mo santo 'yun pala may tinatagong baho."


Halos magdugo na ang palad ko dahil sa pagkakabaon ng mga kuko sa pagkakayukom. Kanina pa nagpipintig ang mga tenga ko sa mga bulungan nila at kung may nais man akong kahilingan na gusto kong matupad ngayon ay 'yun ang maging bingi pansamantala.


Kahit naman nakasuot na ako ng mask ay nakilala pa rin nila ako at sa totoo lang ay natatakot na ako. Ayoko ng atensyon pero dahil sa nangyayare kay Orcus ay pati ako ay pinag-uusapan nila, maging pribadong buhay ko ay nadadawit na rin sa nangyayare.


Nakatambay ako ngayon sa isang coffee shop na malapit sa penthouse ni Mark. Ayaw niya pa nga akong umalis dahil paniguradong susundan daw ako ng media na balak hingin ang pahayag ko tungkol sa mga akusasyon kay Orcus. Tama nga siya dahil sa paglabas ko pa lang ng penthouse niya ay nakaabang na ang mga reporter maging ang mga camera nila.


Naging masikip ang mundo ko at naging limitado rin ang mga galaw ko. Tikom lang ang mga bibig ko sa tuwing maaabutan ako ng mga reporter, may isang beses pa nga na muntikan pa akong madapa dahil sa uhaw silang makuha ang pahayag ko.


Hindi ko naman magawang sisihin si Orcus... Hindi ko kayang ibunton sa kanya ang mga nangyayare sa buhay ko dahil mas mabigat ang pinagdadaanan niya.


"Sinungaling rin naman ang girlfriend niya. Alam niyo ba na niloko at ninakawan niya si Orcus? Jusko! Nakakahiya, hindi ba? Babae pa naman siya," sabi ng babae sa mga kasama niya at pagkatapos ay dumako sa akin ang tingin.


Her look was intimidating, the reason why I shifted my eyes away from her.


I've never been this nervous whenever someone was looking at me. It's different this time where my actions are limited or somehow prohibited. This is not what I expected. The accusation was now outrageous, and it's already taking my freedom.


Palihim kong pinunasan ang mga luha ko dahil sa mga sinasabi nila. Maging ang buhay ko ay pinapakialaman na nila at paniguradong sasagap pa sila ng impormasyon tungkol sa akin marahil ako ang girlfriend ni Orcus.


When I wiped my tears secretly, my phone rang. I immediately took it out of my bag and looked at who was calling. It was Mark, and I know the reason why he's calling me. I'm sure he's going to tell me to go back to the penthouse since the media was following me everywhere.


"Hello?" panimula ko sa tawag.


"Where are you?" tanong niya sa akin.


"Coffee shop," matipid kong sagot. Narinig ko naman ang pagpapakawala niya ng isang malalim na hininga at 'yun na ang naging senyas ko para malaman kung anong sunod niyang sasabihin.


"Pauwi na ako kaya huwag ka na mag-alala. Malapit lang naman 'tong coffee shop sa penthouse mo kaya madali akong makakauwi," pangunguna ko para kahit papaano naman ay mabawasan ang pag-aalala niya sa akin.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon