Chapter 57

1.1K 43 12
                                    

Chapter 57: Begged (trigger warning)


"Puwede bang tigilan mo na ako, Alejo?"


Kulang na lang ay pumuti na ang buhok ko dahil sa inis na nararamdaman ko kay Alejo. Panay ang buntot niya sa akin at sa totoo lang ay nakaka perwisyo na siya. Alam ko naman kung bakit siya nandito pero panay ang iwas at pagpapanggap ko na hindi siya umamin sa akin. Hindi ko naman siguro dapat pagtuunan ng pansin 'yun.


I'm sure he's just playing with me. Kilala ko naman siya kaya hindi dapat ako maniwala. He's just a nobody... a nuisance, that's how I think of him. I know I'm being harsh to me, but that's my only way to keep my heart guarded.


"Puwede bang tigilan mo na rin ang pagpapanggap na hindi ako umamin sa 'yo?" tanong niya na dahilan para matigilan ako sa pagsasampay ng mga damit. Seryoso ba talaga siya sa inamin niya sa akin?


"Nababaliw ka na." Ngumisi ako pero hindi man lang nito nagawang suklian ang maliit na ngiting ginawa ko, bagkus ay nanatili itong seryoso. Hindi ako na nagseseryoso si Alejo, lagi niya kasi akong pinagtitripan kaya pakiramdam ko tuloy ay nagbibiro lang siya.


"Oo... Baliw na baliw sa 'yo," banat niya at dahil sa narinig ay naramdaman ko ang pagkalabog ng puso ko. Gusto kong ilapat ang kamay ko doon at pakiramdaman pero ayokong mag-isip si Alejo ng kung ano-ano.


Umirap ako. "Bahala ka nga diyan."


I was about to get inside the house, but he suddenly held my hand. It wasn't aggressive at all. Alejo made sure that his touch wasn't forced and hostile.


When my attention went back to him, I saw his eyes glistened with so much desperation and longing. Seeing that made my heart throb fast. My breathing started being ragged and my vision gradually became swirly.


This is not right.


"Don't pretend that I didn't confess, please," Alejo begged, but I became stubborn. Mas nagpursigi akong ikulong ang puso ko sa mga salitang sinabi niya sa akin noon. Ayoko ng mahulog. Takot na akong sumugal.


Humarap ako nang maayos sa kanya at suminghap. "Alejo, hindi ka puwedeng bumagsak sa isang kagaya ko. Matalino ka namang tao, hindi ba? Naiintindihan mo naman siguro kung anong gusto kong iparating," sabi ko. Gusto kong tumigil na siya sa kahibangan niya. Hindi dapat ganito ang nangyayare.


"Natatakot ka lang naman eh. Alam ko kung gaano kasakit ang ginawa sa 'yo nung Orcus na 'yun pero iba ako sa kanya, Serina," pangangatwiran niya pero umiling ako at mapait na ngumiti.


"Alejo, mag-isip ka nga. May anak na ako... Hindi tayo talo, naiintindihan mo ba 'yun? Iba ang mundo mo sa akin kaya parang-awa mo na, tigilan mo na 'to." Ngayon ako naman ang nakikiusap sa kanya dahil nakikita ko na kung anong mangyayare kapag sumugal pa ako ulit. Wala naman akong sinabi na kagaya niya si Orcus. Sa katunayan nga ay ang layo ng personalidad nila, ni katiting ay wala silang pagkakapareho.


"Then, I will step down to be part of your world," Alejo uttered and his sincerity was like a new door of hope for me. "I will do everything for you, Serina, so please give me a chance. Hindi lang ikaw ang mamahalin ko... maging ang anak mo."

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon