Chapter 38

1.1K 42 2
                                    

Chapter 38: Misery


"So, he's drinking antidepressants before?"


Kasalukuyan akong nakahiga at nakikipagtitigan sa kisame. Kahapon lang kami nag-usap ni Olivia at sa pinagusapan namin ang pinaka tumatak sa sa akin ay 'yung sinabi niyang tumigil na si Orcus sa pag-inom ng antidepressants. Panay ang tanong ko sa sarili ko kung bakit kailangan niyang uminom nu'n noon pero wala akong makuhang sagot.


Nung isang gabi lang ay lasing si Orcus at bago siya matulog ay may ininom siyang gamot. Alam ko ang itsura ng gamot niya para sa sakit ng ulo pero nung gabing 'yun ay iba ang ininom niya. Nagtaka ako pero sa tingin ko 'yung ininom niyang gamot ay mas tatalab kaysa sa gamot na lagi-lagi niyang dala sa trabaho.


"Ano ulit ang itsura nu'n?" tanong ko sa sarili at dahil sa kuryosidad ay kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa maliit na lamesa. Wala namang masama kung aalamin ko, hindi ba?


I searched the medicine for his headaches, and luckily I remembered the appearance of it, that's why it just took me a minute to look for it. But for the medicine he took that night, I didn't see it. I tried to look for some brands, but I failed.


Binalik ko na lang ang phone ko sa lamesa at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Ano bang ginagawa ko? Bakit ba pakiramdam ko may dapat akong malaman?


"Relax, Serina. Sasabihin niya naman sa'yo kapag handa na siya," pananaway ko sa sarili ko at pilit na pinapatay ang mga tumatakbo sa isipan ko.


I'm overthinking too much. Maybe that medicine's effect was way better than the other one Orcus is taking whenever he's going to work.


Dahil sa pagkaburyo ay lumabas muna ako ako ng kwarto, nakaramdam rin kasi ako ng gutom.


Nang makarating sa kusina ay nahagip ng mga mata ko si Mama na nasa garden at may kausap siya sa phone. Hindi rin ito nakasakay sa wheelchair niya kaya nag-alala ako.


Instead of preparing myself something to eat, I went straight to the garden to remind her. I was about to tap her shoulder, but suddenly, she spoke.


"Yes, I'm doing something to get you out of there. Maghintay ka lang," sabi nito sa kausap niya sa phone.


Nang marinig ko 'yun ay parang nahirapan ang isipan kong intindihin ang sinabi niya pero nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. 


Breathing became unknown to my vocabulary. When I heard her voice, it suddenly triggered the depths of my fear. It slowly crept to my body like poison, making the fine hairs of my nape rose.


What is happening?


"Tss, ang akala ko matalino siyang bata pero hindi. Ilang buwan na akong nagpapanggap na may sakit pero hindi niya pa rin ako nahuhuli. Ang dali talagang maloko ni Serina," dagdag ni Mama sa sarkastikong boses at pakiramdam ko ay hindi ko na makapa ang sarili ko dahil sa narinig.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon