Chapter 30

1.3K 45 0
                                    

Chapter 30: Risk


"Ako na po ang magdadala niyan, Manang," sabi ko sa maid na balak buhatin ang bag na may lamang mga gamit ko. Magdadahilan pa sana ito pero nginitian ko na lang siya at kinuha na ang bag para ipakitang kaya ko itong dalhin mag-isa.


Nang tumalikod ako ay awtomatikong nawala ang ngiting pinakita ko at dali-daling nilisan ang kwarto. Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos ng nangyareng away namin ni Orcus. Bumalik na naman kami sa walang kibuan. Wala talaga akong balak kausapin siya sa ngayon dahil pakiramdam ko ay mainit pa rin ang ulo niya at gano'n rin ako.


Dala-dala ko na lahat ng gamit ko dahil balak kong nang bumalik sa bahay ko. Napagdesisyunan ko na tumira na sa bahay ng magulang ko dahil nakabalik na si Mama at kailangan andoon ako para alagaan siya. Isa pa sa dahilan kung bakit aalis ako ay dahil sa gusto ko munang huminga pagktapos ng nangyare.


I know I made a mistake, but I was also hurt about what Orcus said. He compared me to that woman, and it broke my heart to know that all this time, he was doubting me. The way he looked at me still doesn't change at all. There was still a part of him seeing me to the woman he loved before.


I need to breathe to what's happening, and maybe leaving this house for a while would make me feel better.


Yes, his presence is here, but no words were coming out from his mouth. We acted as if we don't know each other, and the fact that it's been days that we are silent and our pride prevailed us, it was suffocating already.


Nung bumaba ako ay nakita ko si Lincoln na kakalabas lang ng kanyang opisina habang si Orcus naman ay nakaupo sa sofa at seryosong nagbabasa ng dyaryo.


Tumakbo naman si Lincoln palapit sa akin at walang sabing kinuha ang bag na hawak-hawak ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero hindi siya natinag.


"Lincoln, kaya ko naman. Akin na," sambit ko at akmang babawiin sa kamay niya ang bag pero iniwas niya ito.


"Ihahatid na kita," alok niya sa akin dahil alam niyang magwawalang kibo lang si Orcus na para bang multo lang kami sa harapan niya.


"Sige," matipid na sagot ko. Palabas na sana kami ni Lincoln nang marinig naming humagikhik si Orcus. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko at binalingan siya ng tingin. Sa tunog pa lang halata namang naiirita siya.


"Pumayag kang ihatid ka niya sa bahay mo para makapag-usap kayo sa panloloko niyo sa akin, no?" tanong niya at dahan-dahang binalin sa akin ng tingin. Parang patay ang mukha niya pero kung titingnan ang mga mata niya ay parang nagliliyab ito sa pagkainis.


Saglit na nabuo ang katahimikan at hindi ko alam kung kinakaya ko pa ang pagiging bastos niya. Hindi naman ako umaasa na magpapaalam siya sa akin bago ako umalis dahil alam kong galit siya. Hahayaan ko muna siya para makapag-isip muna.


He chuckled. "Silence means yes."


"Orcus, we are not doing something wrong—"


"Really, Lincoln? Hiding your desires towards my girlfriend and flirting with her, isn't that wrong?" Orcus sarcastically asked and rolled his tongue because of irritation.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon