Chapter 37

1.2K 47 5
                                    

Chapter 37: Rage


"Magandang tanghali po, Ma'am Serina."


Bati sa akin ni Clark na ngayon ay may hawak na listahan na sa tingin ko ay para sa mga wine na ipapa-deliver nila. Mukhang malakas na naman ang benta ng winery ni Orcus lalo na't malapit na ang Pasko.


"Clark, andito ba si Orcus?" tanong ko sa kanya.


"Opo, Ma'am, nasa loob po siya ng opisina kasama si Sir Peter," sagot niya. Kumunot naman ang noo ko nang mabanggit niya ang lolo ni Orcus. Ngayon ko lang makikita si Peter Inocencio dito sa winery pero ano kaya ang pinunta niya dito?


Iniwan ko na si Clark para pumunta na sa opisina ni Orcus. Siguro kaya nandito ang lolo niya dahil may kailangan silang pag-usapan sa negosyo.


"I won't let you do that!"


When I got to the floor, I heard him shout, which made me stilled. It's obviously him, but why is he shouting?


The voice was unpleasant to the ears. It was my first time hearing Orcus shout like that. Even the dead will fear him because of how loud it was.


Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan nang marinig 'yun. Sa pagsigaw niya ay bigla na lang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Tito Vincent sa akin nung gabing naghapunan sila sa bahay.


What you're seeing was just half of his complicated personality.


Remembering that made my grip on the lunchbox tighten. Those words suddenly triggered my depths. What does he mean about that?


"Pinamana sa akin ni Daddy ang winery na 'to. Hindi ako makakapayag na ibigay mo 'to sa ampon mong anak!" sigaw niya na para bang wala na ito sa tamang ulirat.


Ampon? Si Tito Vincent ba ang tinutukoy niya?


"Dahan-dahan ka sa pananalita mo Castriel Orcus! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo," narinig kong pananaway ni Sir Peter sa apo niya.


"But you can't do that! I own this winery. Hindi puwedeng bigla mo na lang ako papalitan dahil gusto mong magkaroon ng silbi si Tito Vincent." Hindi natinag si Orcus kahit sinaway na siya ng lolo niya.


I squeezed my eyes shut to hear him being like this. I think the reason why he's angry is that his lolo wants Tito Vincent to handle the winery himself. If that will happen, the only thing Orcus needs to focus on is him being a prosecutor, but I know this winery means so much to him.


Bakit bigla na lang nagdesisyon ang lolo ni Orcus na ipalit si Tito Vincent bilang vintner ng winery?


"Did Tito Vincent ask you for this? Naniwala ka na naman ba sa mga salita niya—"


"Ako ang nagdesisyon na siya ang mamahala ng winery ng daddy mo. Hindi niya hiningi 'to dahil ako mismo ang kusang nagtanong sa kanya kung puwedeng siya ang pumalit sa'yo," pagputol ni Sir Peter sa balak sabihin ni Orcus.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon