Chapter 56

1.1K 38 21
                                    

Chapter 56: Truth


"Puwede bang humingi ng huling yakap?"


Ang akala ko ay mananatiling tahimik si Orcus sa paglisan ko pero natigilan ako nang humihingi ito ng huling yakap sa akin na dahilan para humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang tanong na 'yun. Sa sinabi niyang huling yakap ay senyales na 'yun ng kanyang pamamaalam sa akin. Sa wakas... gagawin niya na rin ang makakabuti sa kanya at sa akin.


Pareho kaming talo ni Orcus at ayos lang 'yun sa akin dahil alam ko naman sa sarili kong lumaban ako, hindi kagaya niya na huli ng lumaban kung kailan sumuko na ako. Galit rin naman ako sa sarili ko dahil sa pagiging matigas ng puso ko pero ginawa ko lang naman 'yun para matapos na ang lahat at ito na nga ang inaasam ko.


Tuluyan na akong makakalaya sa sakit. Kaunti na lang ay bibitaw na siya.


Unti-unti akong humarap kay Orcus at nung nakita ko ang mga braso niyang nakabukas ay parang may kirot sa puso ko. Hinihintay niya akong lumapit at yakapin siya. Ito na ang huli, wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko siya.


The corners of my lips curled up and after that I walked towards him to fulfill his request for the last time. He immediately wrapped his arms around my waist to pull me closer. The warmth of our body mixed, and I could feel my heart writhing.


Kaagad na nanuot sa ilong ko ang paborito kong pabango niya noon at dahil doon ay isa-isang bumalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala kasama siya. Tila tinabunan nito ang mga masasakit na sandali na dahilan para manatili ang ngiti sa aking labi.


Orcus buried his head to my neck and seconds later, I started hearing him sobbing. His sobs were like a gunshot, which made me teary-eyed. I looked up to the sky and prayed for his peace.


He might be standing so tall in front of people, but deep inside, he's fragile and lonely. He's still alone.


Humigpit ang pagkakahawak ng isa kong kamay sa damit niya habang ang isa ko namang kamay ay dahang-dahang napunta sa buhok niya upang haplusin ito.


Ang daming nagbago sa aming dalawa. Sa labing-anim na taong hindi ko siya nakita ay masaya ako kung anuman ang narating niya. Oo, galit ako pero hindi ko pa rin maitatago na masaya ako dahil nakayanan niyang walang ako at gano'n rin ako.


"Shh... It's okay," I whispered as I tried to keep my tears at bay. It's time to settle everything already. If we keep making the same mistake, it will just hurt us.


"I-I'm sorry," Orcus apologized once again, but I didn't say anything in return. His sobbing turned to weeping, and hearing that was making my chest heavy.


Ngayon ko na lang siya ulit narinig umiyak nang ganito at ito na rin ang huling beses na maririnig ko 'yun.


"I-I shouldn't have left. Sana hindi na lang ako lumayo." Punong-puno siya ng pagsisisi sa ginawa niya at ngayon na bumalik siya ay huli na ang lahat.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon