Chapter 08

2K 84 13
                                    

Chapter 08: Blunt


"Lincoln, alam mo ba kung nasaan si Orcus?" tanong ko kay Lincoln na ngayon ay sumisimsim ng kape.


"Bakit gusto mong malaman?" pagbabalik niya ng tanong sa akin kung kaya napaglaruan ko ang mga daliri ko at napayuko.


"Um, ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi. May ginagawa ba siyang importante?"


Simula nung pumunta kami sa bidding ay hindi na siya umuuwi dito sa bahay. Ngayon lang ako nakapag-tanong dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.


Nasaan ba kasi ang lalaking 'yon?


Tumikhim si Lincoln. "You don't have to act that you're worried about him, Serina."


"But I am. Pagkatapos naming pumunta sa bidding ay hindi ko na siya nakita. M-May ginawa ba akong mali?" Sa huling parte ay nautal pa ako lalo na't wala akong ideya kung anong nangyare.


"Busy ngayon si Boss. May inaasikaso kasi siyang kaso kasama si Sir Beltran kaya hindi umuuwi dito," sagot niya at kahit tumango ako ay nag-aalinlangan pa rin akong paniwalaan siya.


Sumagi naman sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Mark noon na isang Prosecutor si Orcus. Dalawang taon lang naman ang agwat naming pero grabe na ang naabot niya. Magaling at matiyaga talaga siyang tao.


"By the way, I have something to ask you." Both of my brows raised as I wait for his question.


"Bakit ka tumatakbo noong muntikan na kitang masagasaan?" Sa isang iglap ay naalala ko ang gabing muntikan niya na akong masagasaan dahil sa may humahabol sa akin na balak akong saksakin.


"The reason why I'm running is that someone is planning to stab me," I confessed, and I saw him being stunned.


"What?" he questioned again as if he didn't get what I said.


"May balak sumaksak sa akin noong gabing 'yun. Hindi ko naman nakita kung sino ang lalaking 'yun pero mabuti na lang at nandoon ka kahit na minura mo ako." Hindi ko napigilan ang ngumisi nang maalala ang mga murang sinabi ni Lincoln na masakit sa tenga.


"You're stupid to stop in the middle of the road—"


Lincoln was cut off when we heard a sound of a key, which caught our attention. We both looked at where the sound came from. And as the scent pervaded my nose, a conclusion popped into my mind of who came.


I was waiting for that person to come in, and I don't know why my heart is beating fast.


"Hmm, maybe it's Spike." Awtomatikong bumagsak ang mukha ko na baka si Spike lang 'yun na naglalaro sa labas.


Mapait akong ngumiti. "Sige, akyat muna ako."


Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang biglang marinig ko si Spike na tumahol at parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Unveiling The Mask Behind (High Class Issue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon