Prologue

294 20 10
                                    

Prince's POV

"Magandang araw, kakapasok lamang na balita. Isang malagim na krimen ang nangyari sa prestiryosong unibersidad ng clinton san diego sa bayan ng converse. Kaninang 2:00 ng umaga hinihinalang nangyari ang insidente. Isang babae ang nakitang duguan sa may caffeteria ng school. Hinihinala din na itoy nagahasa. Sa ngayon, nag iimbistiga pa din ang mga otoridad sa insidente."

Agad kong nilipat ang ang channel ng makadating ako sa sala. Binigyan ako ng pag tataka ni jansen na kumakain ng popcorn habang nanonood ng tv kanina.

"Huy! Bakit mo pinatay?" Tanong nito saakin at walang gana ko lang syang binalingan ng tingin.

"Nakakastress ang mga ganyang balita." Sagot ko naman.

"Nakaka-stress talaga lalo na't sa school pa natin mismo, bukas na ang pasukan hindi ba?" Dumating naman si jerald na galing kusina. Naka apron pa ito. Siguradong nag luluto sya ng tanghalian.

"Ayoko nang mag aral. Kailan ba tayo gagraduate?" Bigla namang sumingit sa usapan si Yuan na hawak hawak yung vape nya. Nag vape ito at ibinuga ang usok.

"Namo, diba ang sabi ko sayo sa labas ka mag sisigarilyo ha? Kapag nasiraan lang ng baga yung mga tao dito ipapabugbog kita!" Inis na sigaw ni Jerald.

"Hyung! Luto na ba yung pagkain?" Sigaw ng kakagising lang na si Jared, magulo pa ang buhok nito at nag uunat unat.

"Bat late kananaman gumising ha!? Palamunin ka ngalang dito late kapa gumising!? Ibalik kaya kita kay ate sandra mo!" Sigaw nanaman si jerald.

Hindi ko namalayan na binuksan nanaman pala ni Jansen ang tv kaya nabaling ang atensyon ko doon.

Pinapakita sa balita yung bangkay ng babae, duguan. At oo, pamilyar nga yung lugar kung nasaan yung katawan. Sa kitchen ng caffeteria.

Malamang sa malamang, sa ayaw man o sa gusto ng mga tao sa clinton. Mag iimbistiga ang mga otoridad. Panigurado, isa sa mga taong nasa loob ng skwelahan ang may pakana.

Hindi ko lang alam kung sino, pero isa sakanila. Pwedeng, nag tatrabaho sa kusina ng caffeteria. Pwede ding, gwardya. Kaso...bakit alas dos ng madaling araw nangyari yung insidente?

Nakakapag taka lang...kung wala pang pasok. Bakit alas dos nangyari---pero anong pake ko diba?
Hindi na dapat ako nakekealam sa mga ganyan.

"Guys! Nabalitaan nyo na ba yung krimen sa clinton kaninang madaling araw? Trending sya ngayon sa social media! Maging sa loob ng pilipinas." Dumating si Raphaniel galing sa kwarto nya.

"Ha? Anong meron dun?" Tanong ni Harold na galing sa labas. Siguro diniligan yung mga halaman ni Raphaniel.

"Lagi talagang late sa news tong si kabayo." Saad ni jansen sa gilid ko.

"Hoy! Wag kang ano, nakita ko kanina dyan sa tabi nating bahay may lumipat. Hehe, chics pare shawty." Hinagisan ko sya ng unan at tumalim naman yung baba---i mean yung mata nya sakin.

"Gago, ano name?" Piningot sabay sabay ni Jerald sila jared at harold dahil sa walang kwenta nilang usapan.

"Luto na yung adobo ni jerald! Kain na!" Sigaw ni yuan sa may kusina kaya naman tumayo na si jansen at ganun na din ako.

Sabay sabay kaming umupo sa hapag kainan at nag sandok ng kanin.

"Anong balak nyo pagkatapos nating grumaduate ng collenge?" Tanong ni Raphael.

Raphael Niel ang pangalan ni badjao kaya minsan ang tawag namin sakanya ay Raphaniel. Okaya naman raph, raphael, at niel.

"Babalik ba kayo ng maynila." Tanong naman ni jerald at sumubo ng pagkain.

Pito kaming mag kakaibigan na nakatira sa iisang bubong, mag kababata kami at sabay din kaming pinayagan na mag aral dito sa converse city.

Nasa maynila ang pamilya namin, sa pinas. Malapit naman ang converse city sa pilipinas ang kaso nga lang, hiwalay ito. Typically. hindi pa part ng pilipinas ang converse city.

Isa itong tago, at hindi kilalang lugar sa pilipinas. Nakakatakot din ang bayan na to kapag gabi, lalo na kung dadaan kayo sa highway papuntang maynila.

"Syempre, kailangan nating bumalik don. Nandon ang pamilya natin....diba?" Alanganin namang sagot ni Harold at uminom ng tubig.

"Sabagay, may kanya kanya na dapat tayong buhay." Saad naman ni Yuan.

"Babalikan ko si jenisha~" Sagot naman jared kaya naman matalim kaming tumingin sakanya.

"Hoy, kayong tatlo nila jansen at prince. 3rd sem palang kayo! Kami 4th na kaya gagraduate na kami! Nakakalimutan nyo ata?" Saad ni Jerald.

"Oh? Kung ganun hintayin nyo kaming grumaduate!" Sabi naman ni jansen.

Tumingin saakin si Jerald at tumaas ang kilay nito.

"Wala ka atang imik dela costa? May iniisip ka ba?" Tanong nito kaya naman napatingin sila saakin.

"Imbistigihan natin, yung nangyari sa babae. Krimen sa unibersidad natin." Lakas loob kong alok sakanila at napa urong naman ang kanya kanya nilang mga labi.

"Nababaliw kana ba? Hinatayin mong mga pulis ang mag imbistiga don." Saad naman ni Harold

"Basta." Sagot ko at tumayo para pumunta sa kwarto ko.

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon