46: Sinungaling

52 8 7
                                    

Jennie's POV

"So kayo nga ang nag pasimuno non." Umupo ako sa harap nya habang nakangisi sya, paano nya naatim na uminom ng tea. Nag aagaw buhay ang chief

"Matalino ka talaga jenniene, sobra." Sinamaan ko sya ng tingin, kinuha ko ang tsaa na para saakin at hindi ako nag dalawang isip na isaboy sakanya yon

"Hindi mo ba alam ang magiging reaksyon ng anak nyo kapag nalaman nya na muntik ng mamatay ang tatay ng mapapangasawa nya dahil sayo?" Saad ko sakanya habang seryoso lang ang tingin ko sakanya

"How could you? kakabili ko lang ng dress na to---"

"Wala akong pakealam sa halaga ng dress mo, Mrs. San Diego." Nakita kong natigil sya dahil sa isinambit ko

Tumingin sya saakin ng masama at may namuong ngisi sa labi ko

"Perez ang apelyedo ko, sinong san diego ang sinasabi mo?" 

"Ayoko sabihin sayo lahat ng nalalaman ko, hindi ako tanga---"

"Ms. Jenniene Dela Cruz!!" Inis nyag sigaw at napatayo sa kina-uupuan nya

"Sa oras na malaman ni Tianna na kayo ang may dahilan kung bakit nasa coma ang chief, kaming tatlo. Kasama si Seventh mismo ang papatay sainyo." 

"Hindi magagawa ng anak ko ang sinasabi mo, mahal ako ng anak ko. Pinalaki ko sya ng maayos, hindi nya gagawin yon para lang sa isang lalaki---"

"Sasabihin ko sa lahat na isa ka sa mga suspect na pinag hihinalaan ko, dahil masyado akong pinag kakatiwalaan ng vice chief. Sino ba ang vice chief? Hindi ba't si Clarisse iyon?" Nakita ko ang inis sa mga mata nya

"Tumigil kana sa kahibangan mo---"

"Pinatay mo ang mga magulang ko, kahit kailan. Buong buhay ko, ang tanging gusto ko ay mapatay ka at ang asawa mo." Napatigil sya dahil sa mga sinabi ko

"All tho wala kanamang pakealam sakanya, dahil yung dad ko ang gusto mo. Pinatay mo nalang sya at ang mom ko dahil sa sobrang ingit mo---"

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, hija. Pwede kang mapahamak dahil dyan!---"

"Wala akong pakealam, basta kasama kitang mamatay. Ayos lang saakin." Ngumisi ako at tumayo mula sa kina-uupuan ko

"Kapag may nangyaring masama pa saamin, saakin. Sa mga kaibigan namin ni seventh. iuuwi ko na agad ang heir at wala kayong magagawa." Sinamaan ko sya ng tingin at nag lakad papunta sa may pinto

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng makita ko si Tianna na nangingilid ang mga mata

"A-anak." Sambit ni Tiara San Diego. Ang babaeng kausap ko kanina

"Bakit kasama mo si Jennie dito? Mama." hindi ako nag abalang masali sa kadramahan nilang mag ina, sinanga ko si tianna dahil hindi sya umaalis sa dinadaanan ko

"Bakit mo ko binanga!? Anong ginawa mo sa mom ko," Naramdaman ko ang paglapit nya saakin at napairap nalang ako

"Bakit hindi mo nalang sya tanungin?" Tanong ko pabalik at nabigla ako ng bigla nya kong sampalin

"Ayaw mong sabihin saamin kung nasaan si seventh dahil nag seselos ka, tama ba? Ayaw mong mapakasal sya saakin---"

"Kahibangan ang sinasabi mo." Seryoso kong saad at tumingin saknaya

"May girlfriend na ang sinasabi mong 'Your Beloved Seventh' hindi ikaw ang mga tipo nya." Aalis na sana ako ng bigla syang mag salita

"Ibalik mo na si seventh saamin, bago ko pa mapatay ang mga kasama mo." 

"Kung satingin mo yan ang paraan para malantad si seventh, pwes nag kakamali ka. Kapag lumantad saakin si seventh at may isa saaming mga kaibigan nya ang nasaktan dahil sa kabobohan mo. Mag kakamatayan kayong dalawa," 

Huli kong saad at nag lakad papalabas ng VIP tea shop na to.

"Sabagay, katulad ka lang din naman ng nanay mo. Malandi." Rinig ko pang pahabol nya.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa narinig ko, itinupi ko ang magkabila kong kamay 

Papatunayan ko sa lahat, na hindi ang mga magulang ko ang nag kamali.

Papatunayan ko sayo, na nag kamali ka at na kapatid kita. Tianna.'

Yuan's POV

Ang tahimik naming lahat, palagay ko naalala na nila yung sinabi ni Jennie kagabi.

"Teka, bakit parang sobrang tahimik nyo namang lahat?" Rinig kong tanong ni Uncle Jerry na nasa gitna namin, nasa kanan naman nya si Jessica at si Jansen katabi naman ni Jansen si Jared at katabi ni Jared si Lira

"Pwede nyong sabihin kung may problema. Pangako, maiintindihan namin ni Dad." Saad naman ni Jessica kaya naman napatingin ako kila Lira at Rose na napabuntong hininga

"Hindi po namin alam kung pwede ba naming sabihin sainyo to, baka kase. Hindi namin pwedeng sabihin." Malumanay na saad ni Rose

"Na ano?" Takang tanong naman ni Jessica

"Na Secret Agent si Jennie at sinabi nya saamin na isa saamin ang hinahanap nyang si Detective Seventh." Napatingin naman ang lahat kay Jansen ng sinabi nya yon

Tumingin sya saamin

"Bakit? Kailangan pa ba natin ipaalam saknaya yon? Besides, wala naman talaga akong pake kung sino si Seventh. Ang saakin lang, isa saatin ang nag sisinungaling." Nakita kong masama syang tumingin saakin

"Jennie, halikana, mag lunch ka muna." Biglang dumating si jennie at inaya sya ni jessica na sumalo saamin

"Kumain na ko, salamat. Mag papahinga nalang muna ako." Yumuko sya kay Uncle Jerry bilang tanda ng respeto 

"Bakit parang medjo namumutla at pagod sya?" Tanong ni Scarlet.

Maayos lang kaya si Jennie?'

Pumunta ako sa may fish pond ng mansion nila para mangisda, isa yon sa mga ginagawang hobby ni Atty Jerry Simson at pinayagan naman nila kami na gamitin ang fish pond nila

"Yuan," Naramdaman kong may dumating at base sa naamoy ko, naamoy ko ang pabango ni Harold

Agad akong tumingin sakanya na seryoso lang

"Kaibigan mo ko, matagal na. Kasama mo ko sa lahat ng katarantaduhan at kagaguhan---"

"Ipunto mo nalang ang sinasabi mo, bakit ka nag ttribute dyan?" Inis ko namang pagputol sakanya

"Yuan, may tinatago ka ba saakin?" 

Napatingin ako ng matagal sakanya

"Wala, wala akong tinatago sayo. O Sainyo." Seryoso kong saad at tumingin uli sa pinangingisda ko

"Sinungaling, totoo ba yan?" Tanong nya

"Kung ganun bakit hindi mo sinabi saamin na Secret Agent pala si jennie? Diba kasama mo na sya since high school?" Tumingin ako uli sakanya

"Hindi ko naman alam na kaya nya ko hiniwalayan dahil isa syang Secret Agent. Hindi ko alam yon," Seryoso ko namang sagot at napasimangot sya bago sya umupo sa isang monoblock

I'm sorry, Harold. May mga bagay na hindi ko pwedeng aminin sainyo.'



Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon