47: Favor

52 9 9
                                    

Prince's POV

"Mama!! Ma!! Wag nyong hahawakan ang mama ko!!"

Bigla akong nagising dahil sa boses na narinig ko, hindi kaaya aya ang mga nangyayari.

Bumabalik sa alala ko ang mga alalang ayoko ng maisip, wala na akong pakealam sa pinag-mulan ko.

May bago na kong tahanan at pamilya, ayoko ng isipin ang tunay kong mga magulang.

Bumalik na ang lahat sa dati, hindi na nasundan ang nangyaring barilan sa bahay namin.

Mabilis ang mga pangyayari, alam ko. Pero kaunti nalang at gagraduate na kami.

Bumaba ako s akwarto ko at nakita ko naman sa baba, sila harold at jansen na inanatok pa. Habang si Jerald naman ay nag luluto ng almusal.

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 3:00 sakto ng umaga.

"Ang aga nyo naman ata nagising, excited kayo sa field trip?" Walang emosyon kong saad at umupo sa sa may mesa

"Tulog pa sila Jared?" Tanong ko

"Halata naman diba?" Prankang sagot ni Jansen at hindi ko naman sya tinugunan

Pumunta ako sa may kettle pot at nag init ng tubig, mag kakape ako.

"Wala namang nakaka-tuwa sa field trip, puro kaartihan lang." Narinig ko ang boses ni Yuan pababa na sya

"Grabe ka, ayaw mong mag field trip? Kahit kailan Killjoy ka talaga," Boses naman iyon ni Raphaniel kaya naman alam kong sabay silang bumaba

"Kapag hindi pa nagising si Jared sa loob ng 5 minutes, dadaganan ko na sya." Ma-otoridad na saad ni jansen at napatingin naman kami ni Harold sakanya

"Ako na gigising," Walang gana kong sabi saka tumayo

"Timplahan mo nalang ako ng kape dyan harold kapag nainit na." Walang gana ko pang saad sakanya at tinanguan nya lang ako.

Umakyat ako sa taas at walang katok katok na binuksan ang kwarto ni Jared

"Hoy. Gumising kana, 6:30 na ng umaga. Madilim lang kase umuulan. Nag paiwan talaga ako dito para may kasama ka, nakaka-awa ka kasi---" Nakita kong agad syang tumayo kahit hilo hilo o inaantok pa sya

"Tumayo kana." Walang gana kong utos dito

"Hindi ka tatayo? Cge, iibusan ka namin ng niluto na almusal ni Jerald na Tocino." Aalis na sana ako ng maramdaman kong tumayo sya

"Baba na ko, mag t-toothbrush lang ako." Lumingon ako uli sakanya

"Siguraduhin mo lang,"

~*~

"Aaaa! Ang lamig pa jusko!!! Akala ko ba malapit ng mag April!? Bakit ang lamig lamig pa din!!" Kakababa lang namin sa iskwelahan. At nag iingay nanaman ang mga babaeng kasama namin

"Yehey? Kumpleto na tayo? I guess..." Saad ni King na kasama namin ngayon, yes si King. pinsan ni Jared.

Bakit? Kase nung isang araw saktong pinag-uusapan namin nila atty cruz na magkakaroon kami ng bakasyon na tinatawag nilang 'field trip' bigla syang dumating at dahil feeling close sya. Sumama sya samin.

"Wala, wala pa sila Atty Simson." Walang emosyon na saad ni Jansen

"Kanya kanya tayo ng sasakyan. Pupunta lang naman tayo sa rest house ng pamilya namin nila Yuan. Medjo malapit lapit lang yun at malapit sa may bundok, pero wag kayong mag-alala. Wala namang ibang kakaiba don," nakangiting saad ni atty cruz na naka cassual attire lang

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon