Raphaniel's POV
"Anong plano? May mga guard dyan sa may pinto oh." Turo ni Moira habang nakasilip kami sa may labasan ng school.
Malaki ang gate ng school namin, saka hindi din nakikita ang mga nasa labas. Pati ang nasa loob.
"Kaya nga ang balak namin dumaan dun sa may laging pinag kaka-cuttingan? Mag babakod kami." Pabulong naman na sagot ni Harold kay Moira
"Sure ba kayong gagawin natin to? Like...i can't. Hindi ko kaya..." Tumingin ako kay Rose ng sabihin nya iyon
"Wag ka ngang mag paka-lampa dyan roxene. Di naman mga zombies mga yan, mga tao yan na pinag experimentuhan. Dapat nga hindi ka makaramdam ng takot, awa dapat." Prankang sabat naman ni Jicel habang tinatali ang buhok nya
Bumuntong hininga si Rose saka tinali din ang buhok nya
"Ok, so ito ang plano..." Tumingin silang lahat saakin
"Moira, ikaw ang mag-checheck kung may nakakita ba saamin since ikaw yung maiiwan. Kung may nakakita ba saamin, o kahit may nakasunod saamin. Iligaw mo." Saad ko at tumango naman sya
"Kayong mga kasama ko, wag kayong mag paka-lampa. Kung tatalon sa pader tatalon, kung aakyat aakyat." Saad ko naman sakanila
"Wag kayong papatay sa mga yon. Pero sabagay, di nila kayang makapatay ng tao---"
"Kaya nila, malakas sila dahil sa gamot na inenject sakanila. Hindi dapat sila minamaliit." Pag-putol ni jennie saakin
"Ok. Pagkatapos ng 30 minutes, kailangan sabay sabay tayong nakarating dito. Mahirap na, baka mamaya makita nila tayo at mapagkamalan na isa sa mga baliw na yon." Saad naman ni Yuan na seryoso lang ang mukha
"Teka...seryoso ka ba? Sasama ka talaga saamin? Kailangan nating mag bawas ng isa." Kontra ni jennie sa sinasabi ni Yuan at tinaas naman ni Yuan ang kilay nya
"Anong gusto nyo? Maiwan ako? Ok. Mas maganda yun, para ibuking ko kayong lahat--"
"Guys, wear this mask. Kailangan nyo yan, saka..labhan nyo at ibalik saakin. Kase ginagamit ko yan minsan...kapag may sakit ako." Sabi nya saka binigay yung mga telang mask.
"Thanks." Sagot ko saka nginitian sya ng matamis, tinanguan nya lang naman ako.
"Ok. Isipin nyo na gagawin natin to para kay Hara. Dahil sobrang desperada natin na mahanap yung babaeng yun." Paalala ni Yuan na halatang naiirita dahil katapat si jennie
Kanina ko pa napapansin tong dalawang to. Parang magkakilala sila?'
"Mauna na ko umakyat." Saad ni Yuan at naunang pumunta sa may bakod
Nauna syang umakyat at umalis
Sumunod naman kami sakanya at ako yung last.
"Moira, ikaw na ang bahala ha? After 30 minutes, nandito na kami. Hinatayin mo kami." Pabulong kong sabi at tumango naman sya
"Mag-Ingat kayo sa kabobohan nyo." Saad nya
Umakyat na ko at bumaba
Sakto naman na nasa may likod kami kaya hindi kami nakikita ng mga baliw
![](https://img.wattpad.com/cover/272429668-288-k335087.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Misterio / SuspensoIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...