Jennie's POV
"Ano bang kashitan at bakit nandito ka mag isa jennie!?" Inis na sigaw saakin ni Yuan habang nandito kami sa loob ng kotse nya, sa sasakyan ko sana ako sasakay kaso hinila nya ko na para bang gigil na gigil sya, may nagawa ba kong mali!?
"Ano bang pakealam mo!? Pumunta ako don para tapusin si San Diego, alam ko na lahat. Nalaman ko na lahat bago pa sabihin ni Tianna yung mga yun sa tatay namin." Nakita kong wala lang syang reaksyon, nakatuon ang paningin sa dinadanan
"Alam ko lahat. Yung babaeng, binalita sa TV na nakita ang katawan sa School natin. Hindi ko aakalaing si Sky yon." Iniwas ko ang tingin sakanya at napayuko
"Hindi ako makapaniwala na naging tatay namin ni Clarrise yung hayop na yun! Bakit kailangan maging kumplikado ng buhay ko ng ganito? Hindi ko naman talaga pangarap na maging secret agent at maging maangas na babae, pangarap kong magkaroon ng asawa at anak, Masayang pamilya at payapa. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito."
Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko, saglit akong napatingin sakanya pero umalis din ako sa tingin ng sagutin nya ang isang tawag
"Hello, tito? Yes, sumunod nalang kayo samin---okay, maiintindihan ko. Cge,---ingat din tito."
"Sino yun? Si Aty Cruz? Papunta na daw ba sila---"
"Susunod sila saatin maya maya, may iba pa silang inaayos. Alam mo naman, alkalde ng Converse si Clint." Napatango ako at tumingin sa dinadaanan namin
"Nandito na tayo, lumiko ka dun sa kaliwa. Nakita kong pumasok don yung kotse nila." Iniliko nya ang kotse at ilang saglit pa, bumaba na din kaming dalawa.
Nasa likod lang ng kotse namin ang mga kotse nila Raphael
"Sumagot na ba si Moira sa tawag?" Tanong ni Scarlet kay Harold kaya naman napatingin ako dito
"Hindi pa nga eh, hindi ko alam kung nasaan na sya---" Lahat kami napatingin sa gusali ng marinig namin ang isang putok ng baril
"Shuta, bakit ngayon ko lang napansin? Nasa City-Hall tayo ng converse city." Saad ni Sandy at lumapit sa may pinto
"Paano tayo makaka-pasok? Sabi nila high-tech ang gusali na yan, walang pinapapasok na kung sino pagkatapos nung rape incident sa school. Lahat nalang ng imployees ang pwedeng pumasok dyan." Saad naman ni Jared
"Alam nyo ba kung ano ang gagawin para sa mga bagay o taong humaharang sa dinadaanan?" Nakangisi kong tanong sa mga ito
"Dapat, pinapatumba." Itinutok ko ang baril sa CCTV na scanner na din ng mga imployees.
Itinapat naman saamin ng mga guard ang baril nila
"Bilisan nyo na!"
"Anong gagawin!? Ayokong pumatay---"
"Hindi ka naman papatay rose!" Sigaw pabalik ni Lira
"Kayo na bahalang mag hanap, dito ako." Tumango sila pagkapasok namin sa loob
Nagulat ako ng biglang may humawak ng kamay ko
"Sasama ako sayo," Napatingin ako dito at nakita ko si Yuan, hinila nya ko at nag lakad na kami para mag hanap.
Scarlet's POV
"Satingin mo nandito sila? Paano natin narinig yung baril kung sound proof tong City Hall---"
"Scarlet, commonsense. Hindi natin maririnig yung putok ng baril kanina kung sound proof tong city hall." Inirapan ko si Niel dahil sa pangbabasag nya, edi sorry!? Sorry!?
Nang mag bukas ang elevator ay agad na kaming lumabas, nagulatt kami ng may makita kaming pamilyar na mag-kapatid
"Hero/ Hazel."

BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Gizem / GerilimIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...