Moira's POV
Isang buwan na din ang nakalipas, tapos na ang november at saktong december 1 ngayon. Hindi pa din nagigising si harold.
Si Hara kase nakarecover na sya one week pagkatapos nyang mag agaw buhay sa ER.
Ito namang 50/50 den hangang ngayon hindi padin nagigising.
"Ate, Moi. Kumain po muna kayo, papadating na sila Kuya Raphael." Malambing na saad ni Hara saakin at napangiti naman ako
"Ikaw? Kumain kana ba?" Tanong ko at agad naman syang tumango
"Sge na, ate moira. Mag hapon mag damag mo ng inaalagaan si Kuya. Kailangan mo ding mag pahinga," Bahagya akong napangito at umupo sa tabi nya
"Ate, nag-aalala ka talaga para kay kuya, noh?" Tumingin ako sakanya habang nakatingin sya sa kuya nya
"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nag aalaga kay kuya maliban kay mama at ate, ikaw lang." Nginitian nya ko ng matamis at ganun din ako sakanya
"Ate, gusto mo ba si kuya?" Napahinto ako sa kinauupuan ko dahil sa itinanong nya
"I-i mean, masyado ka kasing caring sakanya. Narinig ko din kay ate lira halos maubusan kana ng tubig sa katawan kakaiyak one week na hindi pa nagigising si kuya. Isama ko na na namatay si ate sandy,"
Napasulyap ako kay Harold na payapa lang na nakahiga
"So, gusto mo ba ang kuya ko?" Binalik ko uli ang tingin sakanya, napalunok ako dahil binigyan nya ko nang pamatay na tingin, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko
"Hahahaha! Joke lang syempre, ikaw naman yan eh. Depende sa feelings mo---ay teka. Gumalaw yung kamay ni kuya!?" Agad kaming napatayo na dalawa at nakita nga namin, gumagalaw yung kamay ni harold
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at naramdaman ko na nandito na nga sila Raphael, malaki ang kwarto na kinuha namin dahil mayayaman sila. Kaya nilang mag bayad ng billion para lang sa isang kwarto.
"Gumalaw yung kamay ni kuya--"
"Harold?" Agad akong lumapit sa kama nya ng makita kong unti unting nag bubukas ang mga mata nya
Iniikot nya ito at sakto naman na may dumating na nurse.
"Nurse, nagising na po sya." Ulat ni Hara sa nurse at agad namang tinawag ng nurse yung doctor,
"Hmm, maayos na po ang lagay ni Mr. San Juan. Kaso, hindi natin alam kung makikilala nya kayo AGAD. May posibility po kase na hindi sya makaalala ng mga 1-5 months, pero...ipagdasal nalang natin na hindi."
Lumabas na ang dpctor at napatingin naman kami ka Harold
Natutulog uli sya ngayon,
"Sana naman, makaalala sya. Mahirap kung hindi sya makakaalala, paano natin sasabihin sakanya yung mga nangyari." Saad ni Jared habang nakaupo at nakatingin kay Harold
"Teka, papunta na daw sila prince. Nandyan na sila sa lobby." Ulat ni Jansen saamin at napatango naman kami
Tatlo lang kase sila ni raphael ang naunang dumating. Nahuli sila Lira, kasama sila Yuan at si Prince at si jerald

BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mistério / SuspenseIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...