Yuan's POV
"Kamusta daw si Jared don?" Tanong ko kay Prince habang sinisindi ang sigarilyo ko, gabi na at kaming dalawa lang ang nandito sa may Balcony sa likod ng bahay, maliwanag ang buwan kaya mailaw
"Sabi nya sakin maayos lang daw sya, sinabi nya din saakin na parang nag dududa na daw si jennie. Nakikita nya sa mismong mga mata nya." Sagot naman nya, inalokan ko sya ng yosi pero umiling lang sya
"Bakit mo ba ginawa yun? Naka alinsunod na sa plano na ako ang detective seventh diba? Bakit bigla nalang nag bago at si jared ang ginawa mo?" Tanong ko sakanya at tumingin naman sya saakin
"Mas paniniwalaan nila kung si Jared ang magiging si seventh. Mas madali, mas maganda, at mas kapani paniwala." Sagot naman nya
"Bakit kase hindi ka nalang lumantad at umuwi na don. Wag mong sabihin na may iba kapang binabalak?" Tanong ko sakanya at nakita ko syang tumango
Napailing nalang ako at tumingin na sa malayo
Grabe, iba ang utak ng lalaking to. Hindi mo maipaliwanag, pero syempre nag tataka na kayo kung paano ko ba nalaman ang lahat.
Flashback
"Yuan," Napataas ang kilay ko dahil sa tono ng pananalita ni Prince, may dala dala syang isang papel at hindi ko maipaliwanag kung ano yun.
"Ano? Bakit kailangan pa nating mag kita dito sa may Converse River?" Tanong ko sakanya habang papalapit sya
Bigla nyang iniabot saakin ang isang brown envelope at napataas naman ang kilay ko doon
"Ano yan?" Walang gana kong tanong
"Buksan mo," Nag pabulsa sya habang ako naman ay tinangap yung envelope at binuksan ito
"DNA test?" Wala sa sarili kong sabi at napatingin sakanya
"Pinsan kita?" Seryoso kong tanong sakanya at nakita ko syang bahagyang napatango
Nakita kong lumapit sya saakin at may namuong ngisi sa labi nya
"Oo, kapatid ng mom ko ang mom ko ." Sagot nya at nanliit naman ang mga mata ko
"At bakit naman ako maniniwala sayo?"
"Maniwala ka dahil yan ang totoo," Sapat na sagot naman nya
"Paano ka nakakuha ng ipag tetest mo sakin?" Tanong ko naman at nakita ko syang lumapit saakin
"I have my ways." Nakangisi nyang sabi
"Prince, ipaliwanag mo nga saakin ang lahat."
At doon nangyari kung bakit nag teteam work kaming dalawa.
Kailan ko nalaman yon? Kalagitnaan ng pagiimbistiga namin kung sino yung mastermind. Matagal tagal na din, matagal ko na ding nalaman na mag- pinsan kami ng inutil na to.
"Hoy, Dela Costa. Umamin ka nga muna, ano ba ang plano mo bakit si jared ang isinama mo kila Jennie. Hindi naman nya alam ang ibang pasikot sikot don." Hindi nanaman sya tumingin saakin
"Basta, mag intay kanalang. Pinapunta mo ko dito para lang sabihin yan?" Takang tanong nya saakin at hindi ko naman sya tinugunan
"mamatay na ko kakaisip sa plano mong yan"
"Wag, wag mo nalang isipin dahil malalaman mo din naman yan. Mag tiis kanalang." Walang gana nyang sagot saakin
"Kamusta nga pala daw si jennie? Tinanong mo ba si Jared?" Tanong ko ulit
![](https://img.wattpad.com/cover/272429668-288-k335087.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mistério / SuspenseIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...