Rose's POV
"Gusto nyo ba ng soju? Kaya nyo bang uminom?" Tanong ni Atty habang nandito kami sa isang samgyupsalan malapit lapit sa court
"Parang saya mo ata tito?" Tanong ni Yuan saka kumain ng beef
"Masaya talaga si Attorney, bukod na mapapatunayan nya na walang kinalaman si Manong guard. Nakikita nya pa sa next trial yung ex nya." Pangangantyaw ni Harold kaya naman natawa kami
"Hindi lang yon." Natahimik kami sa pagtawa at tumingin kay Atty
"May nalaman pa akong maraming info. Patuloy na nag bibigay ng mga impormasyon yung Detective Seventh. Pero sa ngayon, hindi ko munang pwedeng sabihin sainyo." Seryoso nyang sabi at uminom ng isang shot ng Soju
"Attorney, may impormasyon ba kayong nalaman tungkol sa mga pinag-ekperementuhan?" Tanong naman ni Harold
"Pasensya na, pero wala pa akong nakikita." Sagot naman ni Atty kaya bahagya akong napayuko
Hindi ko alam kung ano nang nangyayari kay Hara ngayon, nag aalala ako ng sobra sakanya. Kaibigan ko sya sa manila, at sya lang ang kaisa isang taong pinag kakatiwalaan ko noon
Not until dumaing si Lira at si Jicel, kasama na si Jennie pati tong Pitong bibe
"Babalik pa ba kayo sa school?" Tanong ni Attorney
"Hindi na po, short time lang naman po kami ngayong week kase nutrition day." Sagot naman ni Jared
Hindi din mapalagay ang loob ko ngayon, siguro nababagabag ako dun sa kung sino yung nag bibigay saakin ng mga sulat
Hindi ko alam kung anong nangyayari at parang natatakot ako, iba din ang pakiramdam ko. Para sa iba, kapag binigyan ka ng secret admirer eh masasabi mo ng para sayo
Pero hindi ganon ang pananaw ko.
Nabalik ako sa realidad ng maramdaman kong hinawakan ni Jicel ang kamay ko, tumingin ako sakanya at nginitian sya ng mapait.
Nang matapos na kaming kumain, napag desisyonan namin na mag hiwa hiwalay na.
Hindi nila sinabi kung saan sila pupunta habang kasama naman namin si Sandy na umiikot sa mall ngayon.
"Pwede bang, magpaliwanag kayo saakin? Alam ko naman na bagong member lang ako ng club nyo pero...pwede bang mag sabi kayo saakin? Naleleft out kase ako sainyo. Hindi ko alam kung ano yung pinag uusapan nyo." Nagkatinginan kami ni jicel dahil sa sinabi ni sandy
Tumigil kami sa paglalakad at hinatak sya papunta sa isang caffe dito sa loob ng department store
"Waiter!" Sigaw ko at agad naman na pumunta yung waiter
"Isang strawberry frappe, and cookies and cream frappe tapos....ano sayo?" Tumingin kami kay Sandy
"Milktea nalang ako, cheescake." Kinuha ng Waiter yung order namin at nag simula na kaming mag usap
"Uhm, Sandy. Ayaw kase naming malaman mo. Na hindi kasama sila Raphael. Balak naman talaga naming sabihin sayo kaso...hindi ko alam kung makakapagkatiwalaan ka ba namin pagdating sa ganoon." Napakunot ang noo nya

BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mystery / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...