Yuan's POV
"Pilanano nyo nga, mga sambobo. Kung sinabi nyo nalang saakin kaagad diba?" Ani ni Rose habang nandito kami ngayon sa Faculty Club, nakasara ang pinto maging ang bintana dahil may pinaguusapan kami
Kasama namin si Sandy at si Atty, sandy knows. Sinabi na namin sakanya at nangako sya na wala syang pagsasabihang iba
"Imaginene nalang natin kapag totoong baril yung hinugot nila Jennie, palagay ko mababaliw ako sa gulat." Natawa kami habang sinasabi ni Sandy 'yon
Imorder ng pizza si atty at dito kami nag kakainan ngayon
"Sa next trial, makakalaya na si Manong Guard." Nahinto kami sa pagtawa ng seryosong sabihin ni Tito yon, tumingin kami sakanya na kakatapos lang uminom ng tubig
"Nagkausap kami ni Prosicutor Lorraine Salvador, sinabi ko sakanya lahat. At salamat naman dahil naniwala sya, tumutulong na sya saatin sa pagiimbistiga about sa lab. Hindi ko pa sinasabi sakanya na may ibang info na kong nalalaman dahil dun sa Detective Seventh." Kumagat ulit sya ng pizza
"Kung ganun, kailangan pa natin ng isang tao para umusad ang lahat." Napatingin kami kay Jennie ng bigla nyang sabihin iyon
"Ako ba?" Tanong ni Sandy habang nakaturo sa sarili nya
"Hindi ikaw, kasama kana saamin." Walang ganang sagot ni Jennie
"Nag research ako, nalaman kong...questionable ang pagkamatay ng dating mayor. Si Mayor Allan Kanedo." Dagdag nya
"Ayon sa research namatay---" Naputol ang sinasabi ni Jennie ng mag salita si Prince
"Namatay sya sa office nya at sinabi nilang suicide dahil palagay nila nilason nya ang sarili nila. Yun din ang lumabas sa autopsy report. Pero hindi nila tinignan yung posibilidad na nahazzing ang mayor." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Prince
"Hazing? Paanong naging Hazing?" Tanong ni harold
"May mga pasa sa kaliwat kanang kamay ng biktima, hindi lang don. Maging sa mga binti nya, kung hindi hazing yun. Pwedeng---"
"Pinatay na sya at pinalabas na nag suicide." Sagot naman ni Raphael
"Nabalitaan kong may natitira pa syang kamag anak pagkatapos mamatay ng asawa nya, pagkakaalam ko may isa syang anak na babae." Singit ni Lira kaya naman napatingin ako sakanya
"Mga bata kayo, wag nyo munang isipin yan dahil malapit na ang second semester. Mag tetest na kayo." Biglang singit ni Atty at tumayo sa pagkakaupo sa isang table
"Mag review kayo, at ipapangako ko. Makakawala yung Guard." Kinuha nya yung case nya saka nag paalam saamin
Binuksan na nila harold yung bintana kurtina at ang dalawang pinto
"Kaya siguro walang nag papa-register saatin dahil laging nakasara ang pinto, bintana at parang walang tao." Ani ni Jicel
"True, tama ka dyan." Sagot naman ni Sandy kay Jicel na kumakain ng pizza
"Prince." Napatingin ako kay Jennie ng tawagin nya si Prince, sinenyasan nyang sumama si prince sakanila at nakita ko namang sabay silang umalis ng classroom

BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mystère / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...