08: Task

64 9 7
                                    

Yuan's POV

"Binuksan na ng prosikyusyon ang kaso na kanilang isinarado, ani nila, nag padalos dalos sila sakanilang desisyon. At may nahanap na silang unang lead. Gagawin na ang pagiimbistiga. At ani pa nila, malalaman ng lahat ang totoo." 

Pinatay ko ang TV dahil sa mga balitang ganyan, nababaliw na ata talaga sila. Hindi ko nga alam kung tama bang sinarado nila agad agad yung kaso dahil wala silang mahanap na lead?

"Guys, may task na kaagad sa club...nahihirapan ako a mga desisyon ko sa buhay." Usal ni Jansen na naka yuko

"Kailangan nating kumilos. Hindi naman sa nag mamadali ako, sinasabi ko lang na kailangan may plano na tayo. Habang hindi pa nila papatayin yung mga ginamit nilang tao para experementuhan." Tumingin silang anim saakin

"Nagiisip na din ako ng magandang plano, kaso...hindi talaga nakikisama itong utak ko. Siguro dahil iniisip ko din ACADS natin." Sagot naman ni Niel kaya nalipat ang tingin sakanya

"Narinig nyo naman sa balita diba?" Tumingin kami kay prince ng mag salita sya, nag lakad lakad sya na parang isa syang abogado at nasa isang hiring sya

"May naisip na ko." Sagot nya naman

"Kapag...nakahanap sila ng Suspect, dun tayo mag uusisa." Dagdag nya

"Imposible, paano natin gagawin yun?" Tanong ni Harold

"Mag tiwala lang kayo sa tadhana, at makikita nyo...nasa harap na natin yung ebedensya." Sagot ko kaya naman napatingin silang lahat saakin.


Pagkatapos naming mag meeting kung ano mang tawag don, kinuha ko yung susi ng kotse ko at kumuha ng payong sa lalagyanan namin

"Saan ka pupunta?" Tanong nila at wala akong tinugon.

Lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse ko

Kailangan kong malaman kung ano yung totoo'



Lira's POV

"HIndi natin kaya to, jennie, rose, jicel. Alam nyong hindi natin kaya gawin to. Hindi naman legma o polsci yung course natin para mag imbistiga." 

Usal ko sakanila habang naka sapo sa ulo ko. Nag paplano sila ng nakaka-baliw na gawain. Akala ba nila nasa Kdrama kami at kami yung bida?

"Lira, bakit hindi nalang tayo mag tiwala sa plano ni Jennie? Kailangan natin kunin ni Hara, kunin yung justice na kailangan nya...gagraudate tayo at mabubuhay ng normal---"

"Akala mo ba ganun kadali yun? Rose! Gising, Jennie, Jicel. Wake up! Sa oras na gawin natin to, may mga kakalaban saatin." 

"Wala tayong alam sa kung ano! Paano natin gagawin to?" 

"Simple lang tayong mga dalaga na nagsisikap para makapag tapos ng pagaaral at magkaroon ng magandang buhay. Hindi ako papayag sa plano nyo---" 

"Lira, tiwala lang naman ang hinihingi ni Jennie para gawin lahat ng dapat gawin. Alam kong...mga bata lang tayo at hindi kayang mag imbistiga. Pero si Jennie na mismo ang nag sabi, kaya natin. Hindi man tayo yung haharap sa korte. Yung mga abogadong tapat naman." Usal ni Jicel kaya naman tumingin ako sakanya

"Bahala kayo sa buhay nyo." Tanging saad ko at papasok na sana sa kwarto ko ng biglang mag salita si Jennie

"Isang notorious na gang ang may hawak sa lab kung saan nandoon yung mga pinag-experemintuhan." Napahinto ako sa paglalakad ng sabihin nya yon

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon