Prince's POV
"Anong balak nyo sa dadating na christmast break?" Tanong ni Sandy habang nag babasa basa kami dito sa loob ng faculty, vaccant naming lahat...nag babasa ako ng cases dahil may susunod nanaman na test. Ilang months na din ang lumipas, malapit na mag test ng 2nd grading kaya nag rereview nanaman kami
"Hahanapin yung pangalawang anak ng dating mayor." Seryoso kong sabi habang hindi ko sila binabalingan ng tingin
"Ang funny mo talaga." sarkastikong sabi ni jicel na nagpaagaw ng tingin ko, kaya naman napatingin ako sakanya
"Sabay nalang tayong mag christmast gusto nyo?" Tanong ni Harold kaya naman agad na tumango sila Rose
"Thats...sounds nice." Napatingin kaming lahat ng marinig namin ang pamilyar na boses na nangagaling sa may pinto
"Nakapag-pasya kanaba?" Tanong ni Raphael saka tumayo s apagkakaupo nya sa desk
"Pumunta lang ako kaagad dito, yan na agad ang tatanungin nyo?" Sarkastikong ngumisi si scarlet
"Pumunta ako dito para gumawa ng deal sainyo." Napataas ang isa kong kilay
"Anong deal naman yan?" Tanong ni Lira kaya napatingin ako sakanya
"Sasali ako sainyo, basta papayag kayo na buwagin ko ang detective club." Sincere nyang sabi at napataas naman ang mga kilay nila
"What do you mean bubuwagin mo ang club na to?" Tanong ni Jared
"Mas magandang walang masyadong nakakaalam ng mga plano nyo, kapag may naging bagong members ng CLUB na to, may tyansa na baka galing kila santiago yon."
"Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ni Raphael
"Hulaan ko, hindi pumunta si jansen sa inaaya sakanya ng governor at ng mayor. Masasabi kong tama yon dahil maaring nasa panganib lang ang buhay mo kapag tumuloy ka,"
Nagkatinginan sila Jansen at Harold na magkatabi
"Alam ko din, na gumagawa na sila ng paraan para matunton tayo. Si Jansen lang ang kilala nila pero di kalaunan, malalaman na din nila pati ang plano natin."
"Natin?" Tanong ko at napatingin naman saakin si Scarlet
"Natin." Tumatangong sabi nya
"Sasama ako sainyo, basta... hindi na kayo magiging club."
"Paano yan? Wala na kaming office na pwedeng pagtipunan namin---"
"Ibibigay ko pa din sainyo tong faculty, wag kayong mag alala." sincere nyang saad at tumango naman ako
"Baka naman ikaw ang spy. Paano nalaman na nag text ang governor at ang mayor kay jansen?" Taas kilay na tanong ni Yuan
"Pag-hihinalaan nyo pa kong spy," Ngumisi sya ng sarkastiko "Eh galit na gali nga ko sa mga santiago? Mga tanga ba kayo?"
"Oo, sge. Sumali ka saamin. Alam ko namang hindi mo kami magagawang traydorin, kami lang ang may alam na ikaw ang unang anak ng dating mayor. Sa oras na malaman ng lahat na ikaw ang anak ng dating mayor, magagalit ang lahat ng taga converse city sayo dahil naniniwala sila na walang kwenta ang pamunuan ng tatay mo. Tama ba?" Mahaba kong sabi at napatingin lang sya saakin
"Paano mo nalaman--"
"Kakaalam ko lang kanina, may balak akong sabihin sainyo talaga yon ang kaso dumating si Scarlet. Hindi ako manlilibre ng one week." Walang gana ko pang sabat kay Jicel
"So papayag kanang sumali saamin?" Tanong ni Harold at tumango naman si Scarlet
"Ngayon, gusto naming tanungin sayo kung sino ang kapatid mo?" Tumingin ako kay Sandy dahil sa tinanong nya, nakita kong mabigat ang paghinga nya kayanaman napakunot ako
![](https://img.wattpad.com/cover/272429668-288-k335087.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mystery / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...