25: Secrets

54 7 15
                                    

Jennie's POV

"Looks like, nagtatampo sila saatin dahil sa nangyari." Walang gana kong sabi habang nandito kami ni Prince sa rooftop ng university

Kumakain ako ng sausage habang sya, umiinom ng beer. Ayos. 

"Hindi naman natin kasalanan na kailangan pa nating iconfirm, pabayaan mo sila." Seryoso nyang saad at binalingan ko naman sya ng tingin

"Smart ka, ang galing mo." Nakangisi kong sabi

"Dahil dyan, sabihin mo na sakin kung ano yung past nyo ni yuan." Tumingin sya saakin at natawa naman ako

"Curious ka noh? Ginawa mo lahat dahil lang dun?" Tumango sya

"Just spill it, may sasabihin din akong isang sikreto na walang nakakaalam." Natawa ako

"K, fine. Yuan is my ex boyfriend."

"Halata naman." Simple nyang pangbabara at inirapan ko naman sya

"Alam mo na pala eh, bakit ka nag tatanong?" Tanong ko pa sakanya

"Gusto kong malaman kung bakit kayo nag hiwalay." Seryoso nyang sabi

"Ok, nag hiwalay kami dahil kailangan kong umalis." Sagot ko at ininom yung tubig na dala ko

"Kailangan mong umalis for what?" 

"Kailangan kong umalis, kase kailangan kong panindigan yung tungkulin ko sa isang importanteng bagay." Ngumiti ako sakanya

"That's all, spill your one secret." Nakangisi kong sabi at tinanguan nya ko

"I like someone, pero hindi ko hinahayaan ang sarili ko na magkagusto sa isang tao." Napataas ang kilay ko at napa 'oh' naman ako

"Then..sino si girl?" Tanong ko

"Hangang dyan nalang ang pwede kong sabihin." Natawa ako

"Secrets are meant to spill. Sabihin mo na." Napatingin muna sya saglit saakin pagkatapos ay ininom ang beer nya

"Secrets are meant to forget." Seryosong sabi nya at inihagis sa baba ang can ng beer, nag lakad sya papunta sa pinto pababa ng rooftop at iniwan ako dito

"Grabe, iba ka." Natatawa kong sabi.

~*~

Bumaba na din ako ng rooftop dahil nagugutom na ko, breaktime kase at mamaya sunod na klase namin.

Ang boring nga eh, Accountancy, mas maganda kung forensic nalang.

"Jenniene. Lets talk." Naplaingon ako dahil sa narinig kong, deep...husky voice. WTF? Aso ba sya?

Lumingon ako sakanya sabay tango.

Nanadito kami sa may botanical garden ng school, tinake-out ko nalang yung pagkain ko

"Anong gusto mong sabihin? Mahalaga ba yan?" Kaswal kont tanong sakanya habang kumakain ng ibinili kong silog, 

"Hindi ko alam na kumakain kana pala ng toyo ngayon." Natatawa nyang sabi

"People Change." Saad ko at inirapan sya

"Yeah, what ever." Inis nyang saad sabay irap

"Hindi ka pa nag kekwento saakin kung paano kana, kung nagawa mo ba yung tungkulin mo---"

"Yuan, alam mo naman kung anong tungkulin ang tinutukoy ko." Seryoso kong sabi sakanya

"Yun lang ba yung gusto mong pagusapan natin? Kung yun lang pwede kanang umalis sa paningin ko." Seryoso ko pang saad saka isinubo ang pagkain 

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon