Lira's POV
Dahil nga maagang natulog ang iba saamin dahil may hiking pa kami bukas. Saglit lang yung nangyaring kwentuhan
Palagay ko din ako nalang ang gising, dala dala ko ang isang tasa na may laman na hot chocolate. Hindi kase ako maka-tulog at dahil na din sa ininom ko, hindi talaga ako makakatulog.
Nang makapasok ako sa sliding door patungo sa veranda, nagulat ako ng makita ko doon si Jared na tulala.
Anyare dun?'
"Jared!" Pagtawag ko dito pero hindi pa din sya sumasagot
"Acosta!" sigaw ko pa pero hindi pa din sya lumilingon
Tumungo ako sakanya at tinabihan sya
"Anong iniisip mo?" Lumapit ako sa tenga nya at sawakas napa-tingin na din sya sakin
"L-lira, g-gising ka pa?" Nauutal nyang tanong
"Alangan, nakita mo kong gising diba?" Prankang saad ko naman dito at ibinalik nanaman nya ang tingin nya sa
"Anong iniisip mo? Baka mamaya hipan ka ng hangin okaya makakita ka ng kulto." Saad ko at uminom ng hot choco
Naramdaman kong tumingin sya saakin habang deresto lang ang tingin ko
"Lira, maniniwala ka ba sakin kung sasabihin ko sayong nakita ko si sandy kanina." Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin sakanya
"Baliw, itulog mo nalang yan---"
"Lira, narinig ko din yung usapan nila Yuan at Prince kanina." Napakunot ang noo ko
"Ano? Hindi kita maintindihan, anong pinag uusapan nila?" Kunot noo kong tanong sakanya at napatitig namna sya saakin bago sya umiling
"Hindi ko pwedeng sabihin sayo." seryoso nyang sagot kaya naman napakunot ang noo ko
"Bahala ka, naka-high ka ata. Naka singhot ka ba ng katol?" Natatawa kong sabi at seryoso lang syang nakatingin saakin
"Marami akong iniisip, wag ka ngang magulo dyan." pagsusungit nya kaya naman napataas ang kilay ko
"Asus, tulad ng may third eye ka? Ganun? Hahahaha!" Pagtawa ko pa kaya naman seryoso nanaman syang tumingin saakin
"Iniisip ko kung tunay na anak ba ko ng mga magulang ko," Nawala ang mga ngiti ko dahil sa tinuran nya, malungkot akong tumingin sakanya
"Ano bang iniisip mo dyan? Alangan syempre anak ka nila." Nakita ko syang napa-yuko
"Bat may nagawa bang mali ang parents mo para isipin mo yan?" Tanong ko pa at nilapag sa mesa yung tasa
Pinantayan ko sya at tumingin sakanya
"Pst, sge na. Mag sabi kalang pakikingan ko." Walang emosyon kong saad habang nakatingin
"The last time na umuwi ako sa manila, narinig ko sila Mom and Dad na nag uusap. Nabangit nila yung salitang baka hinahanap na ko ng tunay kong magulang. Akala ko si Prince at tinutukoy nila pero rinig na rinig ko ang pangalan ko,"
Napalupaypay ako habang nakatingin sakanya
"Ano? Grabe, so ampon ka nga?" Sumulyap sya saakin at bahagyang napatango
"Hindi ako makapaniwala, dumagdag pa sa iniisip ko yung sinabi ni jennie na isa saamin si detective seventh. Hindi ko alam kung bakit umaasta silang anim na parang walang sinabing ganun si jennie. Nakakapang-duda sila, lalo na yung dalawa." Napakunot ang noo ko
"Sino? Anong dalawa?" Saglit nanaman syang napatingin saakin pero hindi nanaman nya ko sinagot
"Isipin mo nalang." Tumayo sya at akmang papasok na sa loob ng mag salita ako
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mystery / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...