13: Partners

59 9 15
                                    

Jicel's POV

Reporter Simson?'

Parang ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun, hindi naman sa palanood ako ng news, kundi dahil parang...bago syang reporter dito sa City?

"Ate Jess." Lumapit si Jared sa reporter at niyakap ito

Ate? Magkapatid sila?'

"Kamusta kayo ni kuya? Balita ko---" Agad na pinutol ni Reporter simson ang sinasabi ni Jared

"Hiwalay na kami ni King." Agad nyang sagot at nakita kong napaurong naman ang bibig ni Jared

"Pero wag kayong magalala, wala na kong pakealam sakanya." Ngumiti uli sya at tumingin sa gawi namin

"Mga kaibigan ba kayo nila Prince at Jared?" Tanong nya saamin

"A-ah. Opo." Nakangiting sagot ni Rose

"Wag nyo nga ako ipo at tawaging ate. 2 years lang ang agwat ko dito kay Jerald." Natawa naman sya

"Bago kalang bang reporter?" Tanong ko at napatingin naman sya kaagad

"Sad to say pero oo. Dapat nga ngayon kasama ko tong sila Prince at Jared mag aral ng Polsci, kaso wala. Ito yung gusto ng mga magulang ko para saakin." Ah...so..collenge palang dapat sya ngayon? Bakit naging reporter sya kaagad?

"Oo nga pala, Jansen. Ayos lang ba kung mainterview ka? Pinapainterview ka kase kahit wala kanamag connect dito." Natawa ako dahil sa sinabi nya

"Sge, di nalang kita iinterviewhin. Basta itext nyo nalang ako kung gusto mong mag imbistiga ha? Palagay ko kase nabalita yung case ng Lolo mo dati." Tumango naman si jansen

"Salamat, Jessica." Tumango lang si Jessica kay Jansen at umalis na

"Woah? Grabe, ang bata pala nyang reporter." Ani ni Sandy habang hindi makapaniwala

"Ibig sabihin ba nun, 22 years old na sya?" Tanong pa nya

"Ah, oo. Turning next year." Sagot naman ni Jared

"Kaano ano nyo sya?" Tanong naman ni Jennie

"Ex ng pinsan ko, si king." Sagot naman ni Jared

"Hays, buti nalang at hindi sya masyadong naapektuhan sa breakup nila ni Kuya King." Napatingin naman kami kay Prince ng mag salita sya

"Ayusin nyo na para sa sunod na game." Tumingin saamin si Raphael

"Babae at lalaki yung sasabak. Apat na magkakapareho." 

"Kaya, Yuan at Jicel, kayong dalawa yung magkapareho. Jennie at Jansen, Jared at Lira tapos...Jerald at Rose."  Tumango kami sa sinabi nya at muling nag salita ang MC

"Para sa larong ito, ito ay tinatawag na couples race! Itatali nyo ang magkabila nyong paa habang sinusubukang tumakbo para maunang manalo. Paulit ulit itong gagawin hangang sa mag times up na. Malinaw ba? Goodluck, Students!" 

"Tss. Sisiw." Rinig kong sabi ni Yuan kaya naman binalingan ko sya ng tingin

"Tss sisiw ka dyan." Ani ko naman

Pinauna na ni Raphael na sumabak sila Jerald at Rose, tinali na din ang tela sa mga paa nila.

"Balita ko lahat daw ng sumasali sa ganyang laro nag kakatuluyan, naalala nyo yung...yung dean natin dati? Tapos si Vice Principal. Dito sila nagaral nung kabataan nila, tapos sabay din silang nag retiro dito. At mag asawa sila ha, nilaro din nila tong laro na to." Binalingan namin ni Lira at Jennie si Sandy na nag kwekwento sa tabi ni Prince

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon