Jared's POV
"Ang boring naman, sana hindi nalang tayo pumasok." Saad ko habang nakaupo dito sa table ko, nandito kaming lahat sa Faculty ng Detective Club, wala pa din si Sandy ngayon dahil ang sabi nya absent daw sya dahil tinatamad syang pumasok.
Isang lingo na din ang lumipas pero di pa tapos ang sports fest kaya wala nanamang klase, bleble. Nag bibigay lang ng gagawin at nag papabasa, hindi naman sila nag tuturo.
"Sinong gustong manlibre dyan? Wag kayong magaalala, mabebless kayo---"
"Puro ka dyan Libre, boring, wala akong magawa. Ikaw kaya gumawa ng reports namin! Kung nabobored ka manahimik kanalng okay!?" Napatingin kaming lahat kay LIra ng sumigaw sya ng pagkalakas lakas
"Inaano ko nanaman yang Bangs mo? Inaangalan mo ko dyan eh hindi naman ako umaangal sa bangs mo, siguro ayaw mong ipakita yung noo mo kase sobrang lapad---"
"Aba gago tong Squidward Tentecles outside the sea version ah!" Tumayo sya at ganun na din ako
"Magtigil nga kayong dalawa dyan, para kayong mga bata." Napatingin kami kay Yuan ng mag salita sya habang nakapikit
Pacool nanaman sya oh'
"Palagay ko kailangan natin ang tulong ni Reporter Jessica Simson." Napatingin ang lahat kay Jennie ng tumayo sya, halos isat kalahating oras syang nakatulala at yun pala ang iniisip nya?
Lagi nalang sya nag iiba ng topic kapag may topic na, apaka random.
"Tulong? At bakit?" Tanong naman ni harold
"Palagay ko may makikita tayong mga case na palagay ko ay related sa iniimbistigahan natin sa tulong nya, madali tayong makakakuha ng ebedensya---"
"Bakit natin sya idadamay dito? Wala dapat syang kinalaman dito." Seryoso kong sabi sakanila kaya naman napatingin sila saakin
"Gusto nyang maging payapa ang buhay nya bilang isang reporter, ayokong sirain ang pangarap nyang yon para lang makalap tayo ng sapat na impormasyon." Seryoso ko pang dagdag
"Magtatanong lang naman tayo sakanya, lets say that...gagawin nating example sa reports nyo?" Umiling lang ako sa sinabi ni Jennie
"No, hindi. Hindi ako papayag don, wag tayong mangdamay ng ibang tao---"
Napatingin kaming lahat dahil sa lumakabog na pinto, nakita namin si Atty Cruz
"Dahil nadelay ang trial noong nakaraang araw, pumunta na mismo ako dito sa cshool nyo para sabihin sainyo na bukas na ang trial. Kailangan ko kayo, kailangan nandoon kayo para maobsebarahan nyo din ang nangayayari." Mahina nyang sabi at sinara ang pinto
"Atty, pinapasok po kayo dito?" Tanong ni Jansen
"Nag iimbistiga kase ako sa crime scene. Pinapasok nila ako dito." Tumango naman kami dahil sa sinabi ni Attorney
"Tito, may nahanap kanabang ebedensya na...hindi si Manong Guard yung pumatay?" Tanong ni Yuan na kakatayo lang sa Upuan nya
"Hmm, meron na. Nangalap ako ng ebedensya mula sa mga kapitbahay ni Manong Guard. Lahat sila sinabi na nasa loob ng bahay si Manong ng 2:00 Am kung kailan nangyari yung crimen, 1:00 am daw umuwi si Manong Guard. Naghahanap lang ako ng ebedensya dito na iba talaga ang may pakana pero mukhang malinis talaga lahat, yung mga apak sa caffeteria malapit sa drawing ng bangkay na babae...." Tumingin sya saamin
"Nakalagay dun yung timberland boots ni Manong Guard, mukhang plinano talaga yun ng totoong may gawa." Binuksan nya yung Case nya at inilapag sa desk ni Prince, tumingin si Prince dito at sunod inangat nya ang tingin kay Attorney Cruz
![](https://img.wattpad.com/cover/272429668-288-k335087.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Tajemnica / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...