42: Death or Dead

56 8 12
                                    

Yuan's POV

Nanlaki ang mga mata ko ng saktong pagdating namin nila harold doon, naka handusay si Sandy at punong puno ng dugo 

"Sandy!!" Iyak na sigaw ni Scarlet at napatingin naman ako doon, hindi sya makaalis ng upuan nya dahil nakatali pa sya

Lumapit sila Lira at Rose kay Sandy na duguan habang natataranta naman na tumawag ng ambulansya si Jicel

"Anong nangyari!." dumating si jennie at nagulat sa nakita nya

"Sandy, sandy. Sandy! Gumising ka!!" Inis nyang sigaw at pumunta kay Sandy

"Sandy, hindi ka pa pwedeng mamatay. Hindi pwede---"'

"Nandyan na yung ambulansya, sinong nasugatan---Sandy." Dumating si Moira at katulad ng reaksyon ni Jennie, nagulat din sya dahil sa nakita nya

Pumunta si Raphael kay Scarlet at tinangal ang tali nito, samantala. Ang tatlong santiago ay naka posas na ngayon

Nahuli din namin kanina sila Harry, ang backup nila na nasa labas. 

"Walanghiya kayo!" Lumapit si Scarlet kay Hero at sinampal ito

"Wala ka talagang kwenta. Bakit naging Hero pa ang pangalan mo," Binalingan nya ng tingin si hazel "Ikaw din, wala kang utang na loob saakin. Karamihan sa suot mo, nang-galing saakin! Traydor kayo ng nanay mo." Tumingin sya kay Henry

"Mag babayad kayo sa kulungan, sisiguraduhin ko na mapagbabayaran nyo ang pagpatay sa inosente kong tatay!!" Lumapit ako sakanya para hawakan ang mag kabilang braso nya, nanginginig sya at namumula ang mga mata

Sinenyasan ni Jared na ilabas na sila at sumunod naman ang mga pulis

Lumapit si Scarlet kay Sandy na ngayon ay dinadala na ng mga medic sa ambulansya

"Sandy, please....nag mamakaawa ako. Wag kang pipikit." Mariin nitong bulong sa kapatid

Napatingin naman ako kay harold ng ilagay nya sa tenga nya ang kanyang telepono

"P-po---sge po. Papunta na ko!!" 

"Kailangan ko ng umalis, si H-hara. Nag aagaw buhay sya sa hospital." Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi ni Harold

"Sasama ako---"

"Hindi na, kaya ko." Pagputol ni Harold saakin at tumango naman ako

"Mag ingat ka." Lumapit ako at bahagya syang niyakap.

Tumango sya at agad na tumakbo paalis

"Jennie, nasaan na nga pala yung mga sinasabi mong backup?" Tanong ni Rose habang hinahawi ang kanyang luha

"Hindi daw sila makakapunta, may aberyang nangyari sa corp." Sagot nya saamin.

"Nasaan na sila Jerald?" Tanong ni Rose

"Sumama sila nila prince sa prisinto, sisiguraduhin na walang makakatakas sa tatlo." Sagot ni Jennie saakin at napatango naman ako

"Tara na, pumunta na tayo sa hospital." Aya ko sakanila at napatango naman ang mga ito

Sumakay sila sa kotse ko, dahil si Jared kasama nya si Lira at Rose na pumunta doon. Habang ako kasama ko sila Jicel at Moira. Si Scarlet sumama na sa ambulansya kanina

"Kinakabahan ako, naisip ko yung sinabi ng lola dun sa park. Nangyayari na agad yon ngayon." Nanginginig na saad ni Jicel na nasa likod

"Kumalma ka, Jicel. Ikaw lang naman ang nag iisip na may mangyayaring mali," Seryosong saad naman ng katabi ko, si jennie

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon