Rose's POV
Ngayon ang araw ng trial at agad agad akong pumunta sa locker ko para ilagay ang mga libro, sa mga hindi nakakaalam. Education ang course ko at major in science, yes. Gusto kong maging teacher
Para sa iba, ayaw nilang mag take ng Education dahil masyado silang nadadalian. Pwes, ako. Ayoko talagang mag take ng educ dahil alam ko sa sarili kong hindi talaga yun ang gusto ko, gusto ko maging Flight Attendant, pero alam kong hindi na mangyayari yon.
I take education dahil nasa lahi ng pamilya namin yon, My mom was a public teacher. And my dad was a Schools Division Superintendent.
Kaya kaliwa't kanan ang pressure saakin na mag take ng educ, dahil elementary principal ang lolo at lola ko. Habang mga teacher din ang mga tita ko, maging ang mga pinsan ko.
Maliban sa isa, si Elyse. She can do anything she want kahit nag iisa lang syang anak, nag iisa din naman akong anak pero hindi ganun ang nangyari saakin. How sad isn't it?
Pagbukas ko ng locker ko, nagulat ako ng may makita akong tatlong letter, and...wtf? A Flower? A rose!?
Inilabas ko yung letter at binasa ko 'yon
Dear Rose
Gusto kong sabihin sayo na matagal na kitang pinagmamasdan, mula sa malayo, o mula sa malapit. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo habang binabasa ito.
Gusto kong malaman mo na Gusto Kita, wala nang iba kundi ikaw lang.
Hindi ko alam kung makikilala mo ko kaagad, pero...para sayo ang lahat ng yan.
From your Secret Admirer ;)
Hindi ko alam kung bakit ako medjo na-creepyhan. Siguro dahil i find secret admirers creepy? Basta ayokong nakakatangap ako ng letter or something stuff from anonymous.
Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate ito
Messenge ni Lira, papunta na daw sila dito sa may locker ko.
Agad kong inilagay sa bag ko yung mga letter at tinapon yung roses sa malapit na basurahan
Nag lakad ako papunta sa may hagdan at nakita ko na sila.
Bumaba ako at sinabayan sila sa paglalakad
"Nasaan na yung pito? Sasabay ba tayo sakanila?" Tanong ko at umiling naman ni si Jicel
"Pumasok si Sandy, sasama sya saatin." Saad ni Jicel kaya napakunot ang noo ko
"What do you mean na sasama sya? Hindi nya nga alam yung motive natin bakit tayo pumunta don?" Tanong ko sakanila
"Pabayaan mo sya, i'm sure naman na kapag sinabi namin na gusto lang natin manood maniniwala na sya kaagad." Sagot naman ni Jennie
"So ano nga? Sasabay ba tayo dun sa pito?" Tanong ko at lumingon saakin si Lira
"Sasabay ako sa kotse ni Jared, ang aarte nila ayaw nilang mag kasama tayong apat sa iisang sasakyan. Mag mumukha daw silang driver." Sagot ni Lira saakin
Ilang oras pa ang nakalipas, nakadating na kami sa parking lot at nakita ko na nga yung pitong rich kid. Kanya kanya sila ng mga sasakyan, ang lalaki.
"Bat ang tagal nyo?" Tanong ni Harold
"Tanong mo sa shark." Pamimilosopo ni Moira na kasama din namin kanina
"Kaninong sasakyan si Sandy?" Tanong ko
![](https://img.wattpad.com/cover/272429668-288-k335087.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mystery / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...