49: Revealed

50 8 8
                                    

Jennie's POV

"Jared, ikaw ba si seventh?" Napatingin silang lahat saakin dahil sa itinanong ko, hindi ko na magawang ipigil. Naalala ko si Seventh sakanya, hindi ko alam kung bakit

"Ano? Si Jared?" Tumingin si Lira kay Jared na nakatingin na ngayon kila Yuan at Prince

"Bakit ganyan ang tingin nyong tatlo sa isat isa? Mag kaaway ba kayo?" Tanong ni Raphael sa mga ito

"Jared, ikaw ba?" Tanong ni Jessica kay Jared kaya naman agad na nalipat ang tingin nito saakin

"Cge, sabihin na nating...ako nga." Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling napatayo

Tumingin ako kila Prince at Yuan na parehas ang reaksyon, seryoso at tila walang pakealam

Lumapit ako kay Jared at agad itong niyakap

"H-hinahanap k-kana ni Chief, kailangan ka nya ngayon---"

"Ano bang sinasabi mo Jared? Anak ka nila Tita at Tito paano mo nasasabi yan?" Rinig kong saad ni Jansen kay Jared na agad na lumayo sa yakap ko

"Hindi, nababaliw kalang. Imposibleng ikaw yon---" Agad na ipinutol ni Jared ang sinasabi ni Harold

"Hindi, jared. Ano bang nangyayari?" Nakisali na si Atty Cruz sa usapan nakatingin pa din ang lahat kay Jared

"Baka nga sya, bakit hindi ba kayo naniniwala?" Napatingin naman kaming lahat kay Prince ng mag salita sya

"Ipa-DNA nyo sya. Baka sakaling malaman nyo nga, diba." Dagdag pa nya at tumingin saakin

"Kailangan na nating bumalik sa corp ngayon, kailangan mong makita ang dad mo." Bulong ko sakanya at hindi sya tumutugon doon

"Aalis na kayo? Agad agad?" Napatingin naman ako kay Jicel na narinig ang bulong ko

"Iiwanan nyo kami?" Saad naman ni Rose

"Parang kakadating lang natin dito kahapon ah---"

"Mas importante ang kundisyon ng chief." Natahimik kami dahil sa sinabi ni jared pagputol nya sa sinasabi ni Raphael

"Matagal ko na ding hindi nakita ang chief, naisip kong sabihin na ngayon sainyo dahil naisip ko din na kailangan ako, ng tatay ko." 

"Teka, kakasabi mo palang saakin kagabi na nalaman mo na hindi ka tunay na anak ng nag alaga sayo, bakit parang bigla mo nalang nasabi yan---" Agad na pinutol ni Jared ang sinasabi ni Lira

"Sinabi ko yon dahil ang totoo kong iniisip, ay kung aamin na nga ba ko sainyo." 

"Paano mo nakukuha lahat ng info na binibigay mo saakin dati?" Tanong ni Atty Cruz kay Jared

"Simple, may isa akong kilalang tao na makakatulong saakin para malaman ang mga yon. Hindi ko pwedeng sabihin kung sino yon." 

Matapos ang ilang paliwanag, sabay kaming umalis ni Jared dito sa bahay bakasyunan nila Yuan.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kinuha ko kanina yung kutsara na ginamit ni Jared kaninang almusal.

Sigurado akong sakanya yun dahil sya lang naman ang nag kanin kaninang almusal.

Kailangan ko muna ng patunay.


Jerald's POV

Tahimik kaming lahat ngayon, nandito pa din kami sa kinaroroonan namin kanina

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, parang isang malaking bahagi ng bahay na to ang nawala

"Si Jared, hindi sya basta ordinaryong tao." Wala sa sariling saad ni Rose habang nakatulala

"Iniwan na nila tayong dalawa, nabawasan tayo ng tatlo. Nawala si Sandy, tapos nawala naman sila Jennie." Sambit naman ni Scarlet

"Kaya ba nag stay si Jennie dito dahil hindi pa nya nahahanap ang seventh na yon?" Saad naman ni Jicel

"Wag kayong magalit kay jennie, mission nyang iuwi ng ligtas si Seventh. Kapag natapos na nya ang misyon nya, syempre kailangan nyang manatili don." Saad naman ni Prosecutor Lorraine

"Hindi na tayo kagaya ng dati." Wala sa sariling saad naman ni Lira

"Simula ngayon, wala ng mag tetext kila Jared at Jennie. Nag sinungaling sila, umalis sila at dapat lang na wag na natin silang pansinin. Mag kaiba tayo sakanilang dalawa, ibang iba ang estado ng buhay nila sa estado ng buhay natin. Mayayaman nga tayo, oo. Pero mas mayaman sila." Seryosong saad ni Jansen saka tumayo

"Nakaka-walang gana, uuwi na din ako bukas." Nakita kong umakyat sya sa hagdan at napabuntong hininga namna ako

"Mga hija at hijo, wag nyo namang kalimutan na kaibigan nyo pa din sila Jennie at Jared. Isipin nyo na babalik sila." - Uncle Jerry

"Hindi na tumutunog yung telepono ni Jared, naka block na ata tayo." Napatingin naman ako kay Harold ng sabihin nya yon

"Grabe, ginamit nya lang tayo para makapag-tago. Tama si Jansen, kahit na marami syang naitulong saatin. Iniisip pa din nyang wala tayong kaalam alam dahil naniwala tayo sakanya." Nakita ko din na tumayo si Scarlet

"Mag pahinga na muna tayo." 

Sana hindi ko nalang sinuggest ang larong to kung ganito din naman ang mangyayari'


Jared's POV

Hindi ko inaakalang malaki pala tong corp na to. Ngayon ko lang to nakita.

"Nandito na ang tagapagmana ng Corp na ito." Pumasok kami sa isang conference room at nakita kong nagulat ang mga nandoon

"Buhay si Seventh, maayos si Seventh, at nandito si Seventh para kuhain ang posisyon ng dad nya." May halong pangaasar na saad ni Jennie

Pumunta ako sa gitna at ngumiti ng maluwag.

"Masaya akong makita kayo, ako. Ang Detective Seventh." Ngumisi ako sakanila at nakita ko naman ang isang medjo middle aged na babae, gulat syang nakatingin saakin

Ikaw siguro yon'



Author's Note: Surprise? Marami pang plot twist this upcoming chapters, at siguro hangang 2k words na? Hindi ko sure, pero malapit lapit na. Hindi sya ganung kalapit pero ilalapit ko, asahan nyo na ang maraming fast forwards!! hehe xori. 

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon