LIV. Keep It Open

1.3K 35 16
                                    

Chapter Fifty Four

Keep It Open

"Absent nanaman si Sir," sabi ni Jun, iyong isang construction worker dito sa site pertaining to Achaia.

After that night, he stopped coming to work. It's been a week since he stopped visiting the site. Hindi naman talaga needed presence niya dito, but I think it's still different if the owner could see the progress of what we're working on here.

"Baka broken hearted," sabi naman ni Percy sa kanya. Break nila ngayon kaya nandito sila sa canopy ngayon kasama namin at nagmemeryenda. "Pero nagpapadala pa rin naman siya ng pagkain, baka busy lang."

"Sa gwapong 'yon ni sir may mananakit pa ba doon?" natatawa niyang tanong kay Percy.

Nagkunwari akong busy sa paghalo ng juice ko kahit wala namang dapat haluin.

"Tingnan mo nga 'to," sabi ni Percy sabay turo sa akin. "Maganda na, sinasaktan pa rin."

Kinunotan ko siya ng noo. "Excuse me? Masaya ako."

"Tunay ba, Engineer? Sa ganda niyong 'yan may nagbalak pang manakit sa inyo?" tanong ni Jun.

Hindi ako sumagot kaya umepal nanaman si Percy. "Syempre naman, kung gwapo ba 'yung mananakit e."

Tumawa naman silang dalawa.

"Kaya kung ako sa inyo, Ma'am, pangit na lang mahalin niyo."

"Mga katulad ni Architect ba?" I asked him.

Kaagad naman akong sinamaan ng tingin ni Percy. Kami naman ngayon ni Jun ang tumatawa.

"Mag-girlfriend ka na kasi..." sabi ko pa.

"Oo nga, Sir..." agree pa ni Jun.

"Nako! Doon nga kayong dalawa. Lovelife ko nanaman bubulabugin niyo," sabi niya at napatawa na lang kami ni Jun sa kanya.

Natigil naman kaming lahat nang may dumating na kotseng kulay itim. Akala namin si Achaia na kaya nagulat kami nang makitang si Mr. Adam Tiu 'yon. Kaagad naman kaming napatayo at lumapit ni Percy sa kanya para batiin siya.

"Mr. Tiu, napadaan po kayo dito," bati ni Percy sa kanya.

I smiled timidly at him. Medyo awkward at nahihiya pa rin ako sa nangyari noong nakaraan sa aming tatlo nina Adami. Iyong out of nowhere ko na lang sinabi na may apo na pala siya kahit hindi naman 'yun ang tinutukoy niya.

Ang tanga lang talaga, Asia.

"Yes," he smiled at the both of us. "I wanted to speak with Ms. Dela Cuesta."

Tumango lang naman si Percy bago kami iwanan na dalawa. Nagpunta kami sa isang malilom na part ng site. I smiled at him. Parang alam ko na kaagad kung bakit siya nagpunta dito para makita ko.

"I wanted to take Avis out," he said. "I wanted to get your permission first. I'll take him in another city where no one would recognize us. I'll be taking Adami with me too, if that would make you feel better."

Ngumiti ako sa kanya. "It's okay, Sir. Pasamahin ko na lang po yaya ni Avis since siya naman po nag-aalaga kay Avis kapag wala ako. 'Tsaka para rin po may magbantay sa kanya."

He nodded. "Alright. Just let me know if you have other conditions, okay? And I will respect them."

Natigilan ako sa sinabi niya. The waves of memories from years ago flashed back on my mind. Naaalala ko noong college pa kaming dalawa at nagsisimula pa lang kami, kung paanong binigyan namin ang isa't isa ng mga condition na dapat sundin.

Nakakainis kasi hanggang ngayon naaalala ko pa rin.

"Thank you, Sir," I said. I really appreciated the fact that he respects me. "Anyway, just let me know po kung kailan para mahanda ko rin si Avis at ang nanny niya."

Taped-Up HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon