Beginning
"My god, Yannie! Uso naman kasi talagang tumahan!" I exclaimed as I handed her my handkerchief.
Mas lalo pa siyang umiyak ng tanggapin niya na iyon. "Sino ba naman kasing tanga ang pumatol dun sa chinito na 'yon?" I asked her.
Sinabi na kasing 'wag na siya doon sa manlolokong 'yon, pero ano? Pinatulan niya pa rin. Na-in love pa rin siya. Alam niya namang may so called reputation 'yon pero nagustuhan pa rin niya. Pagka-nga naman isa't kalahating tanga ka, ilang ulit ka na ngang binalaan at nasabihan, ginagawa pa rin. Gagawain pa rin. Uso naman kasing makinig. At unang-una, alam niya naman ang reputasyon nung lalaking 'yon, we all knew about him, pero she still chose to fall in love with that jerk. That son of a devil.
"Binalaan kita, Yannie!" I made her remember all those times that I used to tell her about that guy. "Una pa lang sinabi ko na sa 'yo na 'wag kang iiyak-iyak sa akin kapag sinaktan ka nung gagong 'yon!" I exclaimed.
I was disappointed with her. Very disappointed. Buong akala ko ay matalino si Yannie pagdating sa mga ganitong bagay, but sad to say, hindi pala. Sa huli, luhaan din pala siyang uuwi. Akala ko, alam na niya ang papasukin niya, hindi pa rin pala.
"Asia," she called out. She was still sobbing. My god! Hindi ba nauubos 'yung luha niya? Kaninang-kanina pa talaga siyang iyak nang iyak! "What a heart wants, it wants."
I rolled my eyes at her. "Tanga."
* * *
"Yannie, hindi ka ba pupunta?" I asked her. I was only talking to her on the phone. Birthday kasi ngayon ni Duane, pero heto at hindi nga yata siya aattend, dahil busy pa din siya sa pag-iyak doon sa gagong 'yun. Nakakainis. Napaka-walang kwenta. Sayang ang luha niya.
"I'll pass," she answered timidly on the other line.
"Oh, come on, Yannie! This is like the first part of moving on! Sobrang obvious lang na affected ka pa!" I lashed out. Naiinis talaga ako sa kanya. Informed naman siya na ganoon 'yung walang matang lalaking 'yon, tapos nagustuhan niya. Alam naman kasi ng halos buong campus! Tapos, naging boyfriend niya. Tapos, ano? Iniwan din naman siya. Goodness! Hindi ko na alam ang gagawain ko dito sa kaibigan kong 'to.
"Cause, I really am affected, Asia."
If Yannie was right here in front of me—I'd slap her hard. Nang magising na siya sa katotohanan na kahit kakaunti, hindi siya nagustuhan nung tsinong 'yun. Na wala namang naramdaman para sa kanya iyon. Na pampa-lipas oras lang siya nung lalaking 'yon. Na pinaglaruan lang siya noon. Na ganoon talaga silang mga lalaki, papahulugin ka tapos hindi sasaluhin.
She was just one of his many girls. She wasn't an exception. She wasn't any different. Babae niya lang din si Yannie.
"I swear, Yannie! Sasapakin talaga kita kapag nagkita na ulit tayo!" I told her. "Hindi naman ka-gwapuhan 'yun! If I know, that guy isn't even mourning for your heart's death!" I told her. Ang lakas na ng boses ko, baka sakaling mas maintindihan niya ang sinasabi ko.
I could imagine Yannie biting her lower lip to stop herself from crying. Sobrang sensitive kasi talaga ng babaeng iyon, kaya nga una pa lang, sinabi ko na. Binalaan ko na siya—na 'wag siyang mahuhulog doon sa lalaking 'yon. Dahil alam ko na nga. Ramdam ko na kaagad una pa lang, na ganito ang ending nilang dalawa. Na kagaya ng lahat ng mga naunang babae nang gagong iyon, dito rin ang bagsak niya.
BINABASA MO ANG
Taped-Up Heart
General FictionAsia knew what it meant to be involved with one of the Tiu brothers-trouble. Being in love with one of them was like waiting for your future heartbreak to happen. The Tiu brothers had rules to follow, rules that Asia knew right from the very start. ...