XXX. Conditions

1.8K 59 8
                                        

Chapter Thirty

Conditions

"Bakit parang ang blooming mo ata ngayon?" tanong sa akin ni Yannie nang makarating na siya sa classroom namin ngayong first class.

"Huh? Hindi ah," I said before glancing at my reflection on my phone. "Nag-apply lang ako ng slight na blush on kasi wala akong magawa kanina."

Tumango lang siya sa akin. Of course, there's no way I'm telling her what happened the other night! I'm a hundred percent sure na aasarin lang niya ako. Ganito ba talaga ang feeling na magkaroon ng crush? Gusto mo palagi perfect ka at maganda? Mababaliw na ata ako. Ayoko man tanggapin ang katotohanan kaso wala na akong magagawa. Mukhang crush ko na nga talaga ang tiunggong 'yon... who would've thought?

Mukha ngang kinakain ko na talaga lahat ng sinabi ko noon. My god... I can't even.

"Something's changed," comment nanaman ni Yannie habang papunta kami sa cafeteria.

"Nothing's changed," I said, dismissing the topic.

"If you say so..."

Bumili na kami ng lunch at humanap ng table. We were eating quietly when Achaia walked over to our table. My eyes widened. People started murmuring when they saw Achaia heading to our table.

He smiled before sitting in the empty chair beside me. Nakita ko si Yannie na gulong-gulo na ngayon sa nangyayari. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Achaia.

"Kumain ka na ba?" he asked.

I bit my lower lip. Bakit ba ang awkward bigla?! At bakit ba nasa amin ang atensyon ng lahat ng tao dito sa cafeteria?!

"Hindi ba obvious?" I asked back. Kitang kita niya naman na may plato, kanin, at ulam sa harapan ko tapos itatanong niya pa kung kumain na ako? Common sense naman sana minsan.

He clicked his tongue. "Taray naman."

I rolled my eyes at him. "Ikaw, kumain ka na ba?"

Ramdam ko na talaga ang mga titig sa akin ngayon ni Yannie. Alam kong marami siyang katanungan. I wasn't ready to tell her what was going on because I was damn sure she would only tease me to death!

Just thinking about it... god, nahihiya na kaagad ako. I mean, hindi ko naman kinakahiya si Achaia. Nahihiya ako for myself, kasi grabe talaga kung ayawan ko siya dati tapos ngayon... ano 'to?

Bakit kami ngayon?

E 'di ba annoyed na annoyed ako sa kanya?

Hirap explain.

He nodded and smiled again. Pwede bang huwag siyang mag-smile sa akin at maging annoying na lang ulit siya? Kasi feeling ko everytime na ngingitian niya ako, mas lalo lang akong nahuhulog.

Oh, gosh... even my thoughts are so cheesy!

"What are you doing here?" I asked him, lowering my voice this time.

"What what?" he asked back. "You're my girl now, of course, it's my duty to check up on you. If even possible, I want you by my side all the time."

I rolled my eyes. "I hate possessive men."

He frowned.

I laughed. "Mukha ka talagang tiunggo."

He frowned even more.

Then we both heard a fake cough. Sabay kaming napatingin kay Yannie. "Can somebody please explain to me what's going on here?" she asked, looking confused.

"Ah—"

Achaia cut me off. My eyes widened when he held my left hand. "We're together now," he smiled.

Taped-Up HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon