XL. Taped-Up Heart

2K 60 41
                                    

Chapter Forty

Taped-Up Heart

I've never been this happy and content with my life. Pakiramdam ko, hindi ko na kailangang humingi pa dahil sapat na sa akin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Masaya ako at kuntento na sa ganito. Kung posible man na maging over-inspired sa buhay, ganoon siguro ako ngayon.

"I'll go ahead," I told Yannie. May mga gagawain pa ako sa AutoCAD. Nasa condo ang laptop ko, kaya uuwi na ako. Ayoko namang i-cram 'yon. Achaia sent me a message saying he couldn't accompany me home today. May plates pa ata silang tinatapos. Wala lang naman sa akin 'yon dahil ang lapit lang ng condo. May mga paa naman pati ako.

"Ingat, girlfriend ni Tiu," she teased.

I just rolled my eyes at her before leaving the room. Napatigil ako sa paglalakad sa harapan ng gymnasium nang marinig ko ang mga kiskis ng sapatos sa sahig at ang talbog ng bola.

I want to be truly happy. Masaya naman ako, pero gusto kong mabuhay nang walang taong may galit o sama ng loob sa akin. It kept me bothering at night, knowing that someone out there hated and resented me.

I sighed and took a deep breath before I entered the gym. Nakita ko kaagad siya. Hinagis niya ang bola bago siya humiga sa sahig. Pawisan na siya ngayon at mag-isa dito. It was already eight in the evening. I wondered why he was still here.

Lumapit ako hanggang sa ilang dipa na lang ang pagitan namin. Alam kong ramdam niyang nandito ako, pero hindi pa rin niya ako tinitingnan. Hindi man lang siya gumagalaw para harapin ako.

It kinda hurt. Parang noon, makita niya lang ako kahit nasa malayo, siya pa ang kusang lalapit sa akin. Siya pa ang gumagawa ng paraan para magkasama lang kami.

Pero ngayon? Ni hindi niya ako magawang tingnan. Ako na ata ang pinaka-ayaw niyang tao sa mundo. Na para bang may nakakahawa akong sakit kaya ayaw niya akong tingnan o lapitan man lang.

Ni hindi niya ako magawang tingnan. Ganoon ba talaga kalala ang nagawa kong kasalanan sa kanya?

I did it because I didn't want to ruin our friendship... but look where we are now. Nasira pa rin ang bagay na pinaka-ingat-ingatan ko. Ang bagay na ayaw kong mawala... naglaho pa rin.

I guess we really can't have it all.

"Why are you here? Hindi ka ba hahanapin ng boyfriend mo?" he finally spoke.

Umupo ako sa tabihan niya at tiningnan siya. Nanatili lang siyang nakatingin sa ceiling ng gym.

"I'm sorry," I said.

"What for?"

"For hurting your feelings..."

"You're sorry because you can't like me."

I sighed. Tumingin na rin ako sa kisame. "Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" I asked.

"I don't need to forgive you. You don't need my forgiveness either, because in the very first place, you never did anything wrong." Umupo na siya at tiningnan ang bola na nasa paanan niya. "Wala ka namang kasalanan, A."

"I'm the one who needs to ask for your forgiveness. It took me months to realize that I was the wrong one here. I can never use our friendship as an excuse for you to be with me. It just doesn't work like that."

"Hindi naman talaga lahat ng magugustuhan mo, magugustuhan ka rin pabalik. Life's just like that. Feelings aren't always meant to be reciprocated. And I guess, that was the case for you and me."

"I've already accepted that you only see me as a friend. I'm sorry because I never had the courage to face you again. Tuwing nasa harap na kita, natatakot ako. Nagagalit ako sa sarili ko. Ang dami kong sinabing masasamang salita sa'yo na hindi mo naman deserve."

Taped-Up HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon