Chapter Thirty Five
Worth The Wait
"Now we're all wet," reklamo niya nang makarating na kami sa condo.
"At least, little by little, na-oovercome mo 'yan," sabi ko sa kanya. Binagalan lang talaga namin lakad kasi syempre ayoko naman na baka mamaya atakehin siya ng OCD niya. Pero gaya nga ng sabi ko sa kanya, kasama niya naman ako. He shouldn't be afraid of anything because I'm with him while he's taking a risk.
"Yeah, all thanks to you."
"Maligo ka na, bilis!" I said.
"Can't we shower together?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko. "Ano'ng sinabi mo?!" I asked.
Kumunot ang noo niya. "I said, can't we shower together?"
Kaagad ko siyang tinulak palabas ng unit ko.
"Hey! Bakit mo ba ako—"
I slammed the door on his face before I touched my face. Sobrang init! Ano ba naman ang naisipan niya at tinatanong niya ako kung hindi ba raw pwede na magsabay kami sa pagligo?! Nababaliw na ba siya?!
Siguro maraming nainom na tubig-ulan 'yun!
Ni hindi pa nga kami nagki-kiss sa lips tapos yayayain niya akong maligo kami ng sabay?
Oh, gosh.
Dumiretso na ako sa banyo at nag-shower. Everytime I'll close my eyes, I start thinking about what he suggested earlier again! Ano ba ang pumasok sa isipan niya at tinanong niya 'yun?!
Binilisan ko na lang ang pagligo at kaagad na nagbihis. I heard the doorbell ring. Tumayo ako at binuksan 'yon. As expected, it was Achaia. Bagong ligo na siya ngayon. He looked at me weirdly before he entered my unit. Umupo siya sa couch kaya sumunod ako, pero hindi ako tumabi sa kanya. Pumunta talaga ako sa dulo ng couch.
"What's wrong with you?" he asked.
Wow! What's wrong with me? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa kanya kung ano ang mali sa kanya at nagtatanong na lang siya bigla tungkol sa mga gano'ng bagay?
Hindi ako sumagot.
"Seriously, what's wrong with you?"
Hindi ko siya pinansin. Binuhay ko na lang ang TV at nagpanggap na nanonood. I could see in my peripheral view that he was now confusedly looking at me. After a few minutes, he moved closer to me.
"Layo," sabi ko agad.
"What?"
"Lumayo ka, sabi ko."
"What? Why? Mabaho ba ako?" he asked.
Umiling ako. "Basta lumayo ka sa akin."
But instead, he moved closer to me and enveloped me into a side hug. Mas lalong nag-init ang pisngi ko.
"What's wrong with my baby now? Mood swings? What? Are you on your period? What do you want?" dire-diretso niyang tanong.
"Ikaw."
"What? What did I do now?" he asked.
"Yung ano... oo, ano."
"What?"
Paano ko ba sasabihin?!
"Condition ko rin na bawal magtanong ng mga tungkol sa mga gano'ng bagay."
"Anong bagay ba?" he asked. Mas lalo niya pa akong niyakap. Konti na lang talaga iisipin ko nang ipinaglihi siya sa unggoy. Ang clingy! Pwede rin namang sa tarsier, kaso 'yung singkit na version.

BINABASA MO ANG
Taped-Up Heart
General FictionAsia knew what it meant to be involved with one of the Tiu brothers-trouble. Being in love with one of them was like waiting for your future heartbreak to happen. The Tiu brothers had rules to follow, rules that Asia knew right from the very start. ...