Chapter Forty Six
Vulnerable
Four years ago
His hug tightened. Matagal kaming magka-yakap. Ni hindi ko alam kung ilang oras ba kaming nanatili na ganoon, basta ang alam ko kailangang kailangan ko ngayon ng yakap.
I badly needed someone to comfort me. I badly needed someone to mend me. After hours, we finally headed outside of Forbidden City. Sabi ni Daffin, sigurado daw siya na nakaalis na si Achaia at ang kasama niya.
Hanggang ngayon ang sakit pa rin. Na lahat ng pinaniwalaan ko ay kasinungalingan lamang. Lahat ng mga bagay na nagawa niyang ipadama sa akin ay hindi naman pala totoo.
I gave him everything. Lahat lahat... kasi sabi niya mahal niya ako. Sabi niya ako ang unang babae sa buhay niya kaya naniwala ako. Kasi naramdaman ko namang totoo. Totoong mahal niya ako.
I guess he was that good at pretending.
Or maybe I was just that easy to fool.
Madali akong lokohin kasi ano ba naman ang alam ko sa pagmamahal? Siya ang una ko. Ano ang alam ko sa kung alin ang totoo at hindi?
Tumigil kami at umupo sa isang bench sa isang malapit na park. I was physically and mentally drained. God... I guess mas tanga pa ako kay Yannie sa pag-ibig. Sino ba namang tanga ang niloko na pero lilipad pa rin papunta ibang bansa makita lang siya?
"I'm here if you need someone to talk to. I will listen, I'm good at that."
Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga katanungan ko kanina. "W-why are you here?" I asked.
Imposible namang coincidence lang ang lahat ng 'to? Pero mas imposible naman lalo na lumipad siya dito sa China para lang masundan ako. Hindi naman kami sobrang close. Nagka-chat lang kami ng ilang beses noon, bago pa maging kami ni Achaia.
"My family's on a trip," he said.
"Liar," I said. "Pinaka-ayaw ko talaga sa lahat mga sinungaling."
Napalunok siya nang marahas sa sinabi ko. "Fine. I'm sorry... sinundan kita. Pumunta kasi ako sa condo mo, ang naabutan ko 'yung kaibigan mo. Sabi niya nasa China ka daw, so nagulat ako."
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Gagi, gano'n mo ba kamahal 'yon at talaga lilipad ka pa sa ibang bansa makita lang siya?" he asked.
"E ikaw? Gano'n mo ba ako ka-gusto na willing ka rin habulin ako all the way hanggang dito?" I asked back.
He was caught off guard by my question. Napa-iling na lang ako at napatingin sa mga taong dumadaan. The wind was cold. Kahit na naka-coat ako ay nilalamig pa rin ako, pero wala nang mas higit na lalamig pa sa puso niyang manhid at walang pakiramdam. It's only been two days, yet the feeling was already unfamiliar to me. Tila hindi ko na maalala ang pakiramdam nang minahal niya ako at minahal ko siya.
Ako lang naman kasi ang nagmahal sa aming dalawa.
Ako lang ang tanga na madaling mapaniwala.
"I guess... yes." I looked at him. Nakatingin lang din siya sa mga tao na dumadaan. "Totoo pala 'yun, no? Kapag tinamaan ka, tinamaan ka talaga. Hindi kasi ako naniniwala 'dun e. All my life, I was the heartbreaker. I hated commitment. Gusto ko fling lang, landian lang kasi ayokong masaktan."
"Pero hindi pala mapipigilan 'yun, no? Isang araw talaga may taong darating na lang sa buhay mo, then boom, alam mo nang she's the one."
"Swerte daw 'yung mga taong maaga pa lang nahahanap na ang the one nila, kaso ako? Malas ko, 'yung the one ko may ibang minamahal at hinahabol."
I stayed silent.
I didn't know what else to say.
Ang alam ko lang, nasasaktan pa rin ako.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Pumunta siya sa harapan ko at ipinatong ang coat na suot niya kanina sa balikat ko. He stoop down until he was on my level. Hawak niya pa rin hanggang ngayon ang balikat ko.
Tiningnan ko lang siya at hindi ko alam kung bakit nagsimula nanamang mag-init ang gilid ng mga mata ko.
"Hey... it's okay," he said. Tears started falling again. Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya. "You can cry it all out. I won't judge."
"I can't believe you'll follow me all the way to China..."
He gave out a genuine smile. "I can't believe you'll do something this stupid," sabi niya.
Umiling na lang ako at pinunasan ang mga luha na patuloy sa pagpatak. Nang araw din na 'yon ay umuwi kami sa hotel na kinuha ko. He got the room beside mine. I was kinda thankful that he was here, dahil baka hindi na ako nakabalik ng buhay dito sa hotel.
I was just lying on the bed while staring at the ceiling. Pakiramdam ko manhid na ako, tila wala na akong maramdaman sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako nang umiiyak. Nagising na lang ako nang maramdaman kong may tao.
I saw Daffin arranging the foods that he ordered on the small table. Napatingin siya sa akin. "You're awake," he said. "Kumain ka na muna. I already booked a flight, mamaya pa namang gabi."
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Why are you doing this?" I asked him. Pakiramdam ko nauulit ang mga pangyayari noon. Na naging comfort zone ko si Achaia kaya tuluyan akong nahulog sa kanya, kasi noong mga panahong nasasaktan ako kay Duane... nandyan siya. Hindi siya sumuko. Hindi niya ako tinigilan kahit pilit ko siyang itinataboy... but who would've thought that everything was a lie?
Hindi siya sumagot. Naka-upo na ako ngayon at nakatingin lang sa kanya. "Don't do this. I know that you're doing this... kasi nakakaawa ako. Please don't pity me and stop being nice to me. The last thing that I need right now is kindness and comfort."
Lumakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabihan ko.
"I'm sorry," he said. "I'm sure you think that I'm doing this just because you're vulnerable right now. It's always the perfect time, right? 'Yung papasok ka sa eksena kung kailan nasa lowest point niya 'yung tao, para kapag okay na siya maaalala niya na ikaw ang nandyan para sa kanya."
Only one person entered my mind: Achaia.
"But please, don't think of me that way. Yes, I'm like all the other guys out there. I'll make you fall for me, I'll break your heart, I'll break my promises... alam ko namang alam mo kung anong klase ng lalaki ako."
"Pero... gusto kasi talaga kita. Gustong gusto. I never wanted anyone this bad in my life, that's why I'm really trying to change. To be better, so that I could be deserving of your love."
"Hindi ko rin alam kung paano nagsimula, una pa lang kitang nakita... alam ko na," he said. "Kaya sorry kung ito ako, I'm taking advantage of your situation right now. Wala na akong ibang maisip, e. 'Tsaka mas okay na 'yung ako ang kasama mo ngayong mahina ka kaysa naman ibang tao..."
Tumungo lang ako. I sighed. "I don't think it's possible for me to love again, kaya ngayon pa lang habang maaga pa, tumigil ka na kasi wala kang makukuha sa akin. Wala kang mapapala sa akin."
Lahat na nakuha niya sa akin.
Wala na rin akong ibibigay sa susunod na magmamahal sa akin.
And I think, I can never love somebody again the way I loved Achaia.
BINABASA MO ANG
Taped-Up Heart
General FictionAsia knew what it meant to be involved with one of the Tiu brothers-trouble. Being in love with one of them was like waiting for your future heartbreak to happen. The Tiu brothers had rules to follow, rules that Asia knew right from the very start. ...