XIII. I'm Sorry

2.4K 65 7
                                    

Chapter Thirteen

I'm Sorry

"Are we there yet? I told you, dapat nagkotse tayo," he said and I stopped myself na awayin nanaman siya. My god, even sa paglalakad ba ng ilang metro, gusto niya sumakay pa kami sa kotse?!

"Are we there yet? I told you, dapat nagkotse tayo," I said mimicking him and I saw him glaring at me. "Ang dami mong arte. Kapag gutom, hindi maarte!"

"I'm hungry, and now tired. You are making me walk this far. Dinaig pa nito ang ten laps ko sa oval."

I stopped walking. "Oh god! You're just that privileged, aren't you?" I asked him.

Natigilan siya sa tanong ko kaya nagsimula na ulit akong maglakad. At matapos kami lumusot sa iba't ibang kanto at sulok, nakarating na rin kami sa paborito kong carinderia.

I mean marami kaming carinderia na nadaanan, pero ayoko naman doon kasi hindi ko sure kung malinis ba or what, mamaya sisihin pa ako kapag namatay 'tong tiunggo na 'to tapos ang cause of death ay food poisoning.

At least, dito kilala ko ang may ari ng carinderia and rest assured that everything is clean. Suki nila ako rito lalo na nung freshman pa ako kaya kilala na rin ako nila Aling Linda at ibang tauhan niya.

"Alinds!" I waved my hand as soon as I saw her. Parang nickname ko na sa kanya 'yon, pinaigsing Aling Linda, then siya naman she calls me ganda.

"Ganda! Nagawi ka rito ah," she smiled before she diverted her attention to the man beside me.

Busy si Tiu sa pagtingin sa paligid ng karinderya. Siguro pakiramdam niya 99.9% germs na siya at 1% na tao. He's just too vain and clean, and kitang-kita naman 'yun sa kanya. I mean that's a good thing, pero sabi nga nila—lahat ng sobra ay masama.

"Nobyo mo, ganda?" she smiled.

"Oh god, no, Alinds, just no," iling ko. "Hindi. Ah ano..." I trailed off. I didn't want to say that we were friends, kasi hindi naman talaga! Mamaya i-assume pa ng tiunggong ito na gusto ko siyang maging friend. "Ah... ano kapitbahay ko siya."

She nodded pero mukhang hindi siya convinced na kapitbahay ko lang si Tiu.

"Hayaan mo, ganda, liligawan ka rin nyan," bulong niya pa. Nanlaki ang mata ko kasi rinig 'yon ni Tiu for sure! "Ano ba ang order niyo?" she smiled again.

"Dalawang rice," I said. Binalingan ko si Tiu. "Do you drink softdrinks?" I asked him. Tumango siya kaya um-order na rin ako ng dalawang inumin.

Umupo na kami dahil iseserve na lang naman iyong kanin at inumin naming dalawa. Tiu was still busy looking around. Ewan ko ba dito, wala naman masyadong makikita sa paligid. Wala na masyadong tao kaya okay lang sa akin, at saka wala naman siguro makakakilala sa amin dito no. Ayoko lang talaga ma-issue sa school. Aawayin nanaman ako ng mga babae. Sikat na sikat kasi talaga silang magkakapatid sa university.

"I'm guessing, this is your first time, right?"

Tiningnan niya ako. "Yeah."

"Ang yaman niyo, no?"

"You know what, never thought that you eat in places like this," he suddenly said.

My brow arched up. "Places like this?"

"Karinderyas."

"Stereotyping."

"No, I'm not."

I tilted my head to the side. "Yes, you are."

"No."

I rolled my eyes. "Yes. You just did. Kakasabi mo lang na hindi mo akalain na kumakain ako sa mga ganitong klase ng mga lugar."

Taped-Up HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon