Chapter Fourteen
First Name
I stopped when I was already in front of my unit. Nakabalik na ba kaya siya? Oo, alam ko, maldita ako pero marunong naman akong makonsensya. At alam ko naman sa sarili kong over na ako this time sa pagmamaldita sa kanya when all he ever did was try to be nice to me... at least.
I mean, the part where he offered me his dinner was already him being nice, I guess? Sobrang unexpected and unbelievable na yayayain ka ng dinner ng isa sa Tiu brothers, tapos luto pa ng Mama nila. Parang feeling nun sa iba ay nanalo na sila sa lotto ng jackpot.
Pumasok na ako sa unit ko habang dala ko pa rin iyong tupperware. Hindi pa siya kumakain at mukhang gutom na talaga siya kanina kaya mas lalo akong nakonsensya.
"Asia, bakit ba kasi ang sama mo?" I asked myself.
Hindi ko rin alam ang sagot, pero ewan ko ba. Naiinis talaga ako kapag nakikita ko siya kasi naaalala ko 'yung kapatid niyang si Adami na sinaktan si Yannie, and all the other girls na sinaktan pa nilang magkakapatid.
Naiinis ako na feeling nilang magkakapatid ay kung sino sila dahil wala lang sa kanila ang manakit ng mga babae. Balewala lang sa kanila kapag may nasasaktan sila.
Nagpunta na ako sa kitchen. Nagsaing ako ng kanin na kakasya lang kay Tiu at sa akin. Siguro naman kakainin niya na 'to dahil nakailang hugas ako ng kanin maging malinis lang talaga 'yon.
Iniinit ko rin 'yung Adobo para naman mas masarap ang kain niya. After half an hour, naluto na iyong kanin. I prepared it in a tupperware na nilinis ko rin muna ng maayos. Tapos kumuha ako ng dalawang pineapple juice, nilinis ko rin muna 'yung can. Kailangan naman talaga kasi hindi natin sure kung malinis ba 'yun.
Nilagay ko sila sa bag, then after that, lumabas na ako sa unit at nagpunta doon kay Tiu. I sighed before clicking the doorbell and also knocking.
After a few more knocks, he finally opened it. As always, he was just serious. "If you're only here to tell me that I'm annoying and privileged, you can now leave. I don't need it," he said and was about to close the door when I stopped him.
"I'm sorry, okay?" I said. Mukhang natigilan siya sa sinabi ko dahil sincere naman talaga ako. "I'm too judgemental and maldita."
"Here," I said showing him the bag. "I cooked rice. Malinis na talaga 'yan."
He didn't answer, instead he opened the door wide and that made me smile. Pumasok na ako at hindi na ako nasurpresa nang makita kong ang linis noong condo unit niya. Nakakapanibago kasi mostly naman ng mga lalaki, makalat sa gamit.
Sumunod ako at nakita ko siya sa kitchen niya. He was preparing the table. And I don't know why, but for the second time around tonight, I smiled. Talagang ayos na ayos iyong mga kubyertos, but he stopped when he suddenly felt me looking at him.
Ngumiti lang ako. Naiintindihan ko naman, may mild OCD siya at gusto niya lahat ng bagay ay maayos.
"Take a seat," aniya bago niya kinuha iyong bag na dala ko na may lamang kanin at ulam.
Umupo na lang ako at pinanood siyang magprepare. After a few, umupo na rin siya sa harapan ko dala-dala 'yung kanin at ulam.
Kukuha na sana ako ng rice nang matigilan ako nung mag-sign of the cross siya. Nakapikit siya kaya hindi niya makita 'yung gulat kong mukha.
Who would've thought?
God... he was so full of surprises.
Bakit kailangang ganyan siya?
Parang bigla, naubusan na ako ng mga rason para magalit at mainis sa kanya. Parang bigla, gusto kong maniwala na hindi naman pala siya masama. That he wasn't so bad after all, and maybe, just maybe, he was different from his brothers.

BINABASA MO ANG
Taped-Up Heart
Fiksi UmumAsia knew what it meant to be involved with one of the Tiu brothers-trouble. Being in love with one of them was like waiting for your future heartbreak to happen. The Tiu brothers had rules to follow, rules that Asia knew right from the very start. ...