XXVII. Waiting For You

2.1K 68 9
                                        

Chapter Twenty Seven

Waiting For You

I tried not to mind it.

I really did.

Pero sobrang lakas ng mga bulungan nila na kulang na lang ay isigaw nila sa mukha ko! Seriously?!

"Hindi ba siya 'yung rumored girlfriend ni Tiu? 'Yung pangalawang Tiu?"

"Siguro katawan lang habol d'yan ni Achaia. Sexy kasi oh, 'tsaka mukhang yayamanin."

"Hindi naman kagandahan!"

"Mas mukha pa akong tao."

I was silently walking when I stopped. Fine, tanggap ko pa na hindi naman ako kagandahan, pero 'yung mas mukha pa silang tao kaysa sa akin? Aba! Sobra naman na yata 'yon at masyado nang nakakainsulto!

"Excuse me?" I stopped right in front of the girl who said that. Ramdam ko na ngayon ang mga tingin ng mga tao dito sa hallway sa akin. Like I care! Ever since yata ma-involve ako sa tiunggong 'yon, nawala na ako ng pake sa mga sasabihin ng tao! If they want to judge me, so be it! Pero sobra naman 'yung hindi ako mukhang tao? Ang pretty ko kaya!

"What did you say again?" I asked.

Tinitigan niya rin ako pabalik. Aba at may gana pa siyang hamunin ako? "I didn't say anything," she replied.

"I heard you saying na mas mukha ka pang tao sa akin," I said, smirking. "How dare you lie to yourself? Kung may hindi mukhang tao sa ating dalawa, ikaw 'yon!" I said before turning my back on her. Mas lalo lang lumakas ang bulungan ng mga tao. I just rolled my eyes at them.

Seriously, whatever. Hindi naman gwapo ang inaasam nilang lalaki. Kanila na kung gusto nila, I don't know why they feel the need to insult me.

"Famous na tayo ah," bungad kaagad ng kaklase kong si Pele nang umupo na ako sa upuan ko.

I rolled my eyes at him. I thought I was lucky because I was in a course na konti lamang ang babae. In our section, apat lang kaming babae. Ako at si Yannie na ang dalawa doon. Akala ko makakaiwas na ako sa mga usapan kapag nasa room na ako, but I was wrong.

Sometimes mas chismoso pa talaga ang mga lalaki higit sa mga babae.

"Like I care," I said. I guess that will be my motto starting today.

"But seriously? Are you dating one of the Tiu brothers? Which one?" he asked.

I furrowed my brows. "I'm not dating him. Literal na chismis lang talaga 'yang mga nakalap mo. As if naman type ko ang mga chinese na mga 'yon," I rolled my eyes for emphasis.

He chuckled. "Believe naman ako sa'yo, Ash, lahat ng babae may crush sa mga chinitong 'yun."

"Well, ibahin mo ako sa kanila."

"Naks!" pasok naman ni Kio, iyong isa ko pang ka-block. "In the first place, bakit ka ba na-issue sa mga 'yun? 'Tsaka balita ko ikinasal daw kayo last week?" he asked.

"Ugh, seriously! Go away! Ayokong pag-usapan ang tiunggo na 'yon!" I said.

They both laughed.

"Baka mamaya mabalitaan na lang namin na kayo na ha," Pele said.

I rolled my eyes again. "Yeah, yeah so, so whatever."

The class ended with my classmates teasing me whenever they could. Kapag talaga hindi sila tumigil, mananampal na ako.

Nakakainis, I wanted to focus on the topic but they kept teasing me! Kahit wala si Achaia sa harapan ko, nagagawa niya pa rin talagang sirain ang araw ko. Ganoon siya ka-effortless pero kayang-kaya niyang sirain ang buhay ko, and now, I'm thinking of ways to get back at him.

Hindi naman pwedeng buhay ko lang ang nasisira, ano!

"Asia!"

Napapikit ako nang marinig ang boses na 'yon. I know that voice! Papunta na sana ako sa next class ko, teka nga bakit ba siya nandito?! As far as I know, hindi naman engineering ang course niya ah! Ano nanaman ba ang kailangan niya sa akin at hanggang dito sa school ginugulo niya ako?!

Sa condo, si Tiu.

Sa room, si Tiu.

Sa hallway, si Tiu.

Hanggang dito ba naman?!

Puro na lang Tiu! Tiu-tangina naman!

I sighed and rolled my eyes before facing him. As expected, marami nanamang mata ang nakatingin sa aming dalawa. Kailangan ko na talagang masanay dahil mukhang walang balak tumigil ang tiunggong ito sa pagsira ng araw ko.

"What?" I asked, obviously annoyed.

He squinted his eyes at me, like it's possible na mas paliitin niya pa ang mga mata niya. "Where are you headed?" he asked, like we were close.

My forehead creased before I turned my back on him. "It's none of your business."

Pero syempre, makulit siya kaya sinabayan niya ako nang paglakad. I just kept on rolling my eyes every other second, hoping people would see that I was annoyed with this guy! He's not even my type!

"I didn't know you're an engineering student."

"And I didn't know you're a stalker," I said.

"Let's have dinner later," biglang sabi niya.

Napatigil ako sa paglakad bago ko siya tiningnan. "And why would I have dinner with you?"

Hindi siya sumagot. He just shrugged.

"Seriously, if something really happened again, just forget about it, ano ba ang mahirap doon? Ilang beses ko rin bang sasabihin sa'yo na hindi kita type? Kasi nadadamay ako at naiinis sa akin ang mga tao ng dahil lang sa'yo."

"They insult me and who am I as a person, and I hate it. I hate it because I'm not even doing anything. I just got involved with you, and now I'm waking up with all these haters."

Mukhang nagulat siya sa mga sinabi ko. His face suddenly turned serious. Pero mas nagulat ako nang hilahin niya ako kasama siya kung saan. What the hell?! Ano nanaman bang mga balak niya patunayan ngayon?!

"Saan mo ba ako dadalahin?!" I asked, but he kept pulling me along.

At natigilan ako nang dalahin niya ako sa quadrangle. Bigla niya akong inakbayan. Nagsimula nang tumigil ang mga naglalakad. Pakiramdam ko lahat ng estudyante nasa amin na ang mata at tenga! Ano nanaman ba 'tong pauso niyang 'to?!

"What-"

I was cut off when he draped his arm over my shoulder. Napatingin ako sa kanya, he was now holding a microphone. Saan nanggaling 'yun?!

"Starting today," he said, as if announcing to everyone. "I will hurt anyone who dares touch or talk badly about my girl. If you even touch a single strand of her hair, be prepared, because death will be waiting right here," he said, pointing to himself. "Waiting for you."

Taped-Up HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon