XIX. First Time

2.3K 61 18
                                    

Hi! I'm trying to write longer chapters, your comments and votes will be highly appreciated! Thank you! :)

And by the way, are you team Achaia or Duane?

Chapter Nineteen

First Time

Pumikit ako. Mga limang minuto rin akong nanatiling nakapikit. And when I heard the door open, I acted like I just woke up. May pakusot-kusot pa ako ng mata ko. I looked at him before I got my phone. Nakita kong nine na ng umaga. Tumayo ako. "Mukha namang okay ka na, so I'm gonna leave now," I said trying to sound casual.

Umupo siya sa kama niya. "I'm still sick," he said.

I rolled my eyes at him. "Do I look like I still care?!" I asked him. "I've already done my part as a concerned neighbor, Achaia! Masyado ka naman atang abuso! To be honest, I shouldn't have done that. Magpasalamat ka na lang dahil nagawi ako sa condo mo, kung hindi baka patay ka na ngayon!" I said as I walked out on him.

Bumalik na ako sa condo ko. I made sure na locked iyong pintuan para hindi siya makapasok. I plopped down on my bed and looked at my ceiling.

Ano naman kung may sakit pa siya?! Ano namang pake ko?! Am I his mom? Am I his girlfriend? Bakit hindi siya doon sa Shen na 'yon magpaalaga?!

"Ugh! Ang annoying!" I groaned habang nakatakip sa mukha ko ang unan ko. Umaga pa lang pero sira nanaman ang araw ko ng dahil sa Tiunggong 'yon!

Sobrang effortless niyang manira ng araw, grabe! Kung may award siguro siya, 'yon ay ang pagiging most annoying human ever niya!

Naligo na lang ako at napagdesisyunan na umuwi na lang sa bahay, at least doon panatag ako na malayo ako sa isang katulad niya. Baka mamaya kung ano pa ang magawa ko kapag nakita ko siya.

After I took a bath and prepared everything, lumabas na ako ng condo at dumiretso sa parking. Mabuti na lang at hindi ko naman na siya nakita.

I drove off to our house. Nagulat pa nga si Mama na umuwi ako. Malapit lang naman sa school ang subdivision namin, pero sobrang traffic palagi kaya naman nag-desisyon kami na mag-condo na lang ako na malapit sa Xavierville. Pero kahit malapit ang bahay, bihira lang ako umuwi dahil tamad ako mag-drive, at saka nagugustuhan ko rin 'yung buhay na independent ako at hindi umaasa sa kanila.

"Hija, you're home," ani Mama sabay halik sa pisngi ko.

"Yeah. Namimiss ko na luto mo," I told her. Ngumiti naman siya. Sakto at nagluluto na pala siya for lunch. Nanatili na lang ako sa living room at nag-cellphone. As usual, marami nanamang friend requests sa Facebook, but I really don't accept strangers. Bihira lang ang ina-accept ko, kung may mutual friends naman kami na trusted ko, ina-accept ko sila, but still I like to keep my social media accounts private.

I browsed through my friend requests and what caught my attention was the name that I've heard before in the arena.

Daffin Levanidez

So that's why... he's one of the Levanidez cousins pala. I've heard from some of my friends na players daw ang mga ito. Kung sa Xavier ay mayroong Tiu brothers, sa Saint Francis naman ay may Levanidez cousins. Well, I can't blame them, if you got the looks why not flaunt it, right? Pero still, I hate them for breaking girls' hearts.

Nakita ko na mutual friend niya si Yannie, Duane at maging si Mama. I just shrugged and accepted him. Trustworthy naman siguro siya kahit papaano dahil friend siya ni Mama.

Bumalik na ulit ako sa pag-browse sa newsfeed ko. I smiled when I saw that Duane changed his profile picture. It was a shot from their last game. Maganda ang pagkakakuha nito, hawak niya ang bola habang natakbo. I reacted heart on it, nag-comment na rin ako ng "MVP" sa picture niya.

Taped-Up HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon