Chapter Forty Seven
The Control
I looked at him. Hawak hawak niya pa rin hanggang ngayon ang palapulsuhan ko. May sumasakit sa akin sa hindi ko malaman na dahilan pero pilit kong pinantayan ang mga titig niya.
"It's been four years, but you're still a liar."
Kaagad kong tinanggal ang hawak niya sa akin bago ko siya tuluyang tinalikuran. Dire-diretso lang ako ng lakad, walang pakialam kahit na patuloy ang tawag sa akin ni Percy. Naglakad ako hanggang makarating ako sa isang convenience store. I just bought water and sat near the window glass.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Ano nga ba ang tama na maramdaman ko?
Ano nga ba ang dapat?
Tanga na lang ang maniniwala na minahal niya ako. After everything he did to me, he still had the audacity to tell me that he still wasn't done loving me. Matapos niyang sirain ang buhay ko noon, ngayon babalik siya na akala mo walang nangyari?
Na para bang hindi niya ako sinaktan?
Na para bang hindi niya ako niloko?
Ang kapal talaga ng mukha niya.
Natauhan ako nang marinig ko ang ring ng cellphone ko. I saw Daffin calling. I sighed before answering his call. "Hey, babe, where are you? Umalis ka daw sabi ni Percy," he said on the other line.
"I'm at a convenience store, unang store na madadaanan mo pag-alis..." I said.
"Are you okay?" he asked.
Hindi agad ako naka-sagot. Alam na alam niya talaga kaagad kung may mali ba sa akin. Mabilis niyang mahalata kung okay ba ako o hindi, ganoon niya ako kakilala. "Yes... why wouldn't I be?"
"Wala naman. I just thought so..." he said. "I'll be there in a minute. 'Wag ka aalis," then he ended the call.
After a few minutes, I saw his car park in front. Kaagad akong tumayo at lumabas na ng tindahan. Pumasok na ako sa passenger's seat at kaagad na nag-seatbelt. Kaagad niya namang pinaandar ang sasakyan. "You look tired," simula niya.
Tumango ako bago isinandal ang ulo ko sa bintana. "Yeah, mainit kanina and ang daming tao."
"I'll take you home. You should rest," he said. Nilingon ko siya, diretso lang ang tingin niya sa kalsada. Tumango lang ako. "You've been hard on yourself. Don't overwork too much, okay?"
Tumango lang ulit ako bago ngumiti. "Okay."
After half an hour, nakarating na kami sa bahay. Simula nang grumaduate ako, umalis na rin ako sa condo ko at dito na sa bahay namin tumira.
I was about to hop off the car when he called me. Nilingon ko siya. "Why? You look tired too. You should go home and rest," I smiled at him.
"If something's bothering you, you can always tell me, okay?" he said as he offered me a genuine smile.
I nodded. "Okay."
"I love you."
I smiled at that. "I love you too. Drive safely." I waved him goodbye one last time before finally closing the door. I watched his car vanish from my sight before finally going inside.
"Mama!"
Kaagad akong napangiti nang makita ko si Avis na tumatakbo papunta sa akin at hinahabol na ngayon ni Mama. Binuhat ko siya at kaagad na hinalikan sa pisngi. "You missed Mama?" I asked him.
He smiled at me before planting soft kisses on my cheek. Napangiti ako. He really is the sweetest. Siya rin ang tanging pahinga ko sa mundong nakakapagod. I named him Avishai because he's my gift from God. Without him, matagal na akong sumuko. Hindi na siguro ako lumaban pa.
And sometimes, I think that all the pain was worth it. At least I have him. He came and changed my life for good... looking back I now regret that I cried when I found out that I was pregnant and he was the father. I cried because I didn't want him to be the father of my baby. Dahil sa dami ng tao sa mundo bakit kailangang isang manlolokong katulad niya pa? Bakit kailangang siya pa?
I looked at him. He looked a lot like him. Nakuha niya ang singkit niyang mga mata. Sabi nga ni Yannie, carbon copy daw talaga siya ng tatay niya. Who cares, really? Nawalan na ako ng pake. Wala namang masama kung siya ang kamukha dahil lalaki siyang gwapo at sisiguraduhin kong hindi siya lalaking manloloko katulad ng tatay niya.
"Did you miss me, baby?"
Tumawa lang siya sa maliit na boses niya. Minsan hindi ko maiwasang hindi maiyak kapag naaalala ko lahat ng mga nangyari noon, lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng sakit na naranasan ko. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kanya.
"Kamusta?" tanong ni Mama sabay upo sa harapan ko dito sa living room.
"It was okay..." I said without looking at her. I made myself busy playing with Avis. Hindi niya alam na 'yung client ko ngayon ay si Achaia, kasi kung alam niya siguradong hindi ko magugustuhan ang reaksyon niya. Maalala ko pa lang ang itsura niya noong nalaman niyang buntis ako, no thanks na lang. Wala akong balak na pag-usapan pa namin kung bakit ko tinanggap ang project na 'to.
"Okay? That's the big client, right?"
"Yes. It was okay, I mean hindi stressful kasi madali naman sila kausap," I lied. "They're nice."
"By the way, he has a check up tomorrow," sabi niya.
"Ako na ang sasama sa kanya," sabi ko agad. Sasabihin ko na lang kay Percy na hindi ako papasok bukas. Wala naman siyang magagawa kahit boss ko siya. Kailangan kong mag-leave para samahan sa check up ang anak ko. Siya ang top priority ko sa lahat.
I promised myself that I'll be the best parent ever, to the point na hindi niya na kailangan ng tatay kasi kayang-kaya ko naman punan ang mga bagay na hindi niya magawa.
Yannie said that I was being unfair. That I must let Achaia know too, dahil may karapatan siya. Pero matapos niya akong gaguhin? Lokohin? Alam kong may karapatan siya, pero wala akong balak na sabihin pa sa kanya na may anak kaming dalawa.
Para saan? Kayang kaya ko naman siyang buhayin mag-isa. At sa tingin ko, wala rin naman siyang balak na maging ama ng anak ko. Siya pa? Imposible. Knowing his history. 'Wag na lang.
Nagulat ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Nakita ko si Percy na tumatawag. "What?" sagot ko.
"Where are you?"
"Nasa bahay."
"What? Hinahanap ka ng kliyente natin," he said.
"Bakit? Ikaw ang architect. Hindi na ako kailangan d'yan. You can handle them all by yourself."
"Tss," he said. Naiimagine ko na ang itsura niya na hindi maintindihan dahil alam niyang wala naman siyang magagawa kung ayaw kong bumalik.
"Is that the Engineer?"
Natigil ako nang marinig ko ang boses niya sa telepono.
"Engineer Dela Cuesta," he said on the other line.
I rolled my eyes.
Ano nanaman bang kailangan niya?!
"What?"
"If you won't come back here, I will cancel this project," he said.
Napanganga ako sa sinabi niya. "Gosh! Nagpapatawa ka ba?!" I sarcastically asked him.
"Do I sound like I'm joking right now?"
"Ang petty! Wala akong pake kung i-cancel mo 'yang project! Hindi naman ako ang mawawalan!"
"Sure. We'll see."
"I—" I was cut off when I heard a long beep from the other line, meaning he ended the call. How dare he?! Ramdam ko na ang tingin ni Mama sa akin ngayon. I stood up before handing Avis to my mother.
I stomped my feet first, rolled my eyes a few more times before finally marching outside. In the end, we both knew that he still had the control over my taped-up heart... and I fucking hate it.
BINABASA MO ANG
Taped-Up Heart
General FictionAsia knew what it meant to be involved with one of the Tiu brothers-trouble. Being in love with one of them was like waiting for your future heartbreak to happen. The Tiu brothers had rules to follow, rules that Asia knew right from the very start. ...