Chapter Forty Five
I Did Lie
"Thank you. I'll see you later," I kissed Daffin on the cheek before finally hopping out of the car. Today's the ground breaking ceremony for the project that I'll be handling. Nakikita ko na kaagad ang mga tao na naka-magandang kasuotan kahit na santing ang init.
Of course, they're one of the richest families here in the country. Natural lang na mayayaman din ang mga kaibigan nila at ang mga magiging tao ngayon dito.
I was just wearing my usual outfit, pants partnered with a polo which I fold the sleeves up to my elbow. I wore my hardhat as I walked towards them. Isa rin kasi ako sa mga makakasama niya sa pag-cut ng ribbon mamaya.
"Engineer Dela Cuesta! There you are," bati sa akin ni Percy. Ang head architect at ang nagtayo ng firm.
I rolled my eyes at him.
"Ang aga aga, badtrip agad?"
Hindi ko na lang siya pinansin. I was thirty minutes early. Syempre ayoko namang ma-late sa pinaka-malaking proyekto ng firm namin.
"Wala pa rin ba sila?" I asked Percy when it was already time to start.
Umiling lang siya. "I'm sure they'll arrive any time soon," he said. And true to what he said, dumating na nga ang pamilya nila. Sunod sunod ang pagdating ng mga itim na kotse. Sa sobrang dami, hindi ko na mabilang. Nakita kong naunang bumaba ang mga bodyguard nila.
"Is that really necessary?" I asked Percy.
He shrugged. "Malamang mayaman sila. Maraming gustong magtangka sa buhay ng mga 'yan," he said.
Sobrang dami nilang guard?! Parang dinaig pa nila ang PSG ng Presidente ng Pilipinas.
"Parang gusto ko nang mag-back out," I said. Mukhang anytime talaga may mangyayari? Nakakatakot talaga na ang dami nilang bodyguards!
Tumawa si Percy. Nakita kong unang lumabas ang isang babae at lalaki na sa tingin ko ay mga magulang nila. Sa sumunod na sasakyan ay bumaba si Adami at may kasamang isang babae.
Maybe his wife. I don't know... hindi naman na kasi ako updated sa mga nangyayari sa buhay nila. Well, never naman talaga ako naging updated.
Sumunod pang bumaba ang mga kapatid niya. They all looked great. They aged well. Mas lalo lang ata silang naging okay ang itsura nung mga tumanda na sila. Lahat sila ay may kasamang mga babae katulad ni Adami. Siguro 'yung iba asawa na rin, 'yung iba girlfriend kasi parang ang bata pa nila para sa kasal.
Sa huling sasakyan ay bumaba ang unica hija nila. Mag-isa lang siya. She was stunning in her silver satin dress. She looked really classy. Halata mo talagang mayaman na mayaman sila. Parang kulang na lang sabihin niyang kaya niyang bilihin ang buong Pilipinas.
"Where's the client?" tanong ni Percy ng lahat ay nakalabas na ng kotse. Talagang ini-emphasize niya 'yung the dahil deserve daw 'yun ng client na 'yon.
Inirapan ko siya. "I don't know. Baka may pa-special entrance. Kulang yata sa pansin," I said.
Tiningnan ako nang makahulugan ni Percy. "Sabihin mo nga sa akin, ex mo ba 'yung client natin?"
Halos mabulunan ako kahit wala naman akong kinakain ng dahil sa tanong niya.
Hinarap ko siya. "Excuse me? Ako? Ex siya? Over my dead sexy and hot body!" I said as I rolled my eyes again.
He laughed. "E bakit kung makaasta ka para kang bitter na ex? Galit na galit ka oh."
"Hindi ako bitter. Naiinis lang ako kasi late na siya. Hindi naman sa kanya umiikot ang mundo. I believe that time is gold, pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay 'yung nasasayang ang oras ko."
BINABASA MO ANG
Taped-Up Heart
Genel KurguAsia knew what it meant to be involved with one of the Tiu brothers-trouble. Being in love with one of them was like waiting for your future heartbreak to happen. The Tiu brothers had rules to follow, rules that Asia knew right from the very start. ...